ENTRY #22

162 39 3
                                    

  “saan tayo?” tanong ko kay zander.

Nasa passenger seat ako ng kotse niya, napansin ko na ang daang tinatahan namin ay papuntang C5 akala ko sa venice kami pupunta pero pumasok siya sa expressway.

“I don’t usually date.” Ang mga mata ay nasa daan lang. “may lugar akong gusto puntahan dati pa pero I’ve been so busy sa medical school and then internship and work so hindi ko mapunta-puntahan.”

“you had girlfriend before, diba?” that is what I’m concluding dahil sabi niya the last time na nag take risk siya it was so painful.

“yes, but we are both busy.”

“hmmm… anong field niya? Medicine din ba?” pasimple kong tanong.

Saglit niya lang akong nilingon na nakangiti at binalik ang paningin sa daan. Gusto ko mag usisa kung anong nangyari sa past relationship niya pero natatakot ako na baka mapikon siya sa akin.

Umabsent ako sa klase namin ngayon, pinagalitan ako ng mga kaibigan ko pero pinangako ko ang malaking contribution sa robot kaya nag okay naman sila pero ngayon lang daw to. Magagalit na daw sila talaga pag umulit.

“sino nga pala ‘yong lalaki na kausap mo kahapon?” tanong niya na hindi inaalis sa daan ang tingin.

Napaisip ako saglit. “hmmm? Si Poseidon?”

“Poseidon? Like the God?”

“yup, lahat silang magkakapatid galing sa greek methology ang pangalan.”

“ahh, okay. Close kayo?” napakunot ang noo ko dahil sa tono niya na tila nag-iimbistiga.

“oo, simula ng pumasok ako sa university close na kami tsaka pareho kaming kasali sa dance crew ng department. Bakit?” pinipigilan ko ang ngiting gustong sumilay sa labi ko.

“so madalas pala kayong magkasama” aniya at sinamahan pa ng pagtungo ng ilang beses.

“oo, madalas din hinahatid niya ako pag ginagabi ng practice” gatong ko pa.

“cute naman pala niya.” Napapalakpak ako habang natawa dahil sa sinabi niya. Kahit medyo sarcastic ang pagkakasabi niya.

“saan ba tayo?” tanong ko ulit ng nasa slex na kami.

“bakit parang iba siya tumingin sa akin?” hindi niya pinansin ang tanong ko.

“paanong iba tumingin?" Inaalala ko kung paano ba siya tinignan ni poseidon noong sa school. Normal nama ah? " bakit ba curious ka sa kanya?”

“wala lang” hinihintay ko kung may sasabihin pa siya pero nag drive nalang siya.

“santa rosa exit to ah?” nagkakaroon ako ng idea kung saan kami pupunta noong kumaliwa siya paglabas namin sa express way.

“ganoon ba talaga siya sayo? Parang nambabakod?”

"Hala hindi ah" mabilis kong sagot.

"Yes it is"

“ano ba talaga ang gusto mo malaman?” hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.

“wala nagtatanong lang ako” nginitian niya ako. “we’re here”

At totoo nga ang hinala ko. enchanted kingdom. Nag-park palang si zander pero kumakabog na ang dibdib ko sa kaba.

Until We Meet AgainTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang