Prologue

1.6K 29 0
                                    

Charlotte Pov

"I Love you"

Nakangiting amin ng damdamin ko kay Jayzer

Since elementary ko na siyang mahal, laging sinusundan,  laging binabantayan at laging pinanonood

Alam kong alam na niya na gusto ko siya,  lagi ko ba naman siyang sundan kahit na alam kong naiirita na siya, pero gusto kong sabihin sakaniya na mahal ko siya para sa ikagagaan ng loob ko

"Jayzer ganun ka rin ba saakin? "

Nakangiting tanong ko sakaniya

Tulad kanina ay wala pa rin siyang reaksiyon at naka poker face pa rin, ramdam mo pa rin ang lamig niya at walang emosyon kang mararamdaman

"No"

Malamig at maikling sagot niya

"Huh? No? Hindi mo ako mahal? "

Naguguluhang tanong ko sakaniya at tila may namumuo na ring luha saaking mga mata

"Hindi kita mahal"

Walang expressyong ulit niya

"Pero.... Pero... Pero nung may activity sabi mo Ideal type mo ako diba? "

Naiiyak na tanong ko sakaniya

"It's a dare"

Wala pa rin siyang emosyon kahit na umiiyak na ako sa harap niya

"I want to rest, feel free to cry"

Aalis na sana siya ng bigla ko siyang hinila pabalik

"Jayzer naman bakit ka ba ganyan... Ginawa ko naman ang lahat, Kahit na kilala ka sa pagiging malamig minahal naman kita ng sobra, ginawa ko rin naman lahat eh"

Nanahimik lang siya at parang walang narinig sa mga sinasabi ko

"Jayzer ano bang mali saakin? "

Desperada kong tanong

"All"

Simpleng sagot niya na naka pag pahinto ng mundo ko

Nabitawan ko naman ang laylayan ng damit niya at tunog lang ng sapatos niya na palayo ang narinig ko sa mga minutong yun

ganun ba ako hindi kagusto gusto para hindi malusaw ang yelo sa puso niya

~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's pov

Matunaw kaya ng mainit na pag mamahal ang pusong balot sa yelo?

Masuklian din kaya ng pag mamahal ang lahat ng ibinigay ni Charlotte kay Jayzer o malamig at sakit lang ang isusukli nito sakaniya.

Can a warm love melt a frozen heart?

Isang tanong na masasagot kung anong mangyayari kay Charlotte at Jayzer

Keep on reading😘

mysteryinpen🌹

Mr. Cold [COMPLETED] Where stories live. Discover now