Chapter 28 - Asking for a Reason

247 7 0
                                    

Charlotte Pov

"Hindi magkagulo! "

Rinig kong kausap ni Jessica sa telepono niya, mukhang may kaaway ba siya?

"Jessica! "

"Oh my ghod! Charlotte! Bakit ka naman nanggugulat"

"Nagulat ba kita, sorry di ko sinasadya, pakikita ko lang sana na kasyang kasya saakin itong pajama mo"

"Magka size lang naman tayo kaya talagang kasya sayo yan, buti na lang talaga nasa business trip sila mama,  kung hindi san ka na matutulog"

"Oo nga eh, buti na alng talaga, salamat din pala kase pinahiram mo saakin yung selpon mo kanina, natext ko na yung kasama ko sa trabaho na hindi ako makauuwi"

"Wala yun, what is bestfriend for diba? "

Nakangiting bati niya, tumango tango naman ako

Lumapit ako sakaniya at niyakap siya mukha naman siyang nagulat pero niyakap niya din ako pabalik

"Sobrang swerte ko kase naging kaibigan kita, kayo ni Kenneth. Andyan kayo lagi tuwing nasasaktan ako,the best kayo"

Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko

"Lagi ka namang may problema kaya sanay na kami ni Kenneth"

"Hahaha"

Kinabukasan

"Gago yun ah! Wala siyang karapatan para—"

"Kenneth ano ba kumalma ka! Ang O.A mo mag react"

Napatingin naman si Kenneth kay Jessica

"Anong sabi mo Jessica? "

"Umh... Ibig kong sabihin, wala tayong magagawa kung hindi,  damayan si Charlotte kaya wag ka ng magalit kase hindi mapapagaan ng kalooban ni Charlotte yan"

Pagkasabi nun ni Jessica ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob magsalita, kanina kase bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko kaya hindi ako makapagsalita

"Tama si Jessica.... Wala na... Wala na tayong magagawa kaya subukan na lang natin na kalimutan.. "

"Kalimutan! Charlotte naririnig mo ba yang sinasabi mo?! Alam mo kung gaano ka namin alagaan ni Jessica tapos dahil sa gagong lalakeng yun iiyak ka sa harap namin na parang walang kwenta ang lahat ng pagpapaalala namin sayo! Wala siyang karapatan para saktan ka! Ano ka ba niya! "

Nagsimula namang tumulo ang mga luha sa mata ko sa mga sinabi ni Kenneth

"Wala! *snifft*kaya nga ang sakit eh, kase alam ko namang wala kami at wala din akong pag asa sakaniya pero umasa pa din ako *snifft*nag assume pa din ako sa mga maliit na bagay ma ginagawa niya para saakin *snifft* ang saya ko na kase napapalapit na ako sakaniya *snifft* pero akala ko lang pala yun huhuhuhu"

Pinatahan naman ako ni Jessica nung magsimula nanaman akong umiyak

"Sorry, sorry kung nasigawan kita, gusto ko lang kase na malaman mong hindi mo deserve ang matrato ng ganto"

"Salamat Kenneth pero.... Masakit pa din *snifft* "

"Guys! Announcement pumunta daw tayo sa may ground, utos ng SSG President"

Mr. Cold [COMPLETED] Where stories live. Discover now