Chapter 22 - Pandesal? 🍞

233 10 0
                                    

Charlotte Pov

"Bakit parang ang laki naman ng ngiti mo diyan, parang mabibiyak na yung labi mo ah"

Panunukso saakin ni Ate Jing, panu ba naman kase naka ngiti akong nag hahanda ng gamit para sa 2 nights 3 days camping namin, sabi malapit daw sa beach yung location

Ang romantic kase buddy ko pa si Jayzer para na kaming nag date nun sa tuwing mag kasama kami, grabe nakakakilig

"Hindi naman ate Jing sadyang... Masaya lang talaga ako"

Pagdadahilan ko sakaniya habang pinag papatuloy ko pa din ang pag ayos sa mga gamit ko

"Hay... Ang galing mo"

Naguluhan ako sa sinabi ni Ate Jing kaya napili kong tanungin siya kung ano bang ibig sabihin niya dun

"Ate jing ano po bang ibig sabihin niyo"

Bigla naman niyang hinawakan ang ulo ko at hinaplos ito ng dahan dahan

"Ang tatag mo, nakukuha mo pang ngumiti at makahanap ng dahilan pag katapos ng mga nangyari sayo"

Huminga ako ng malalim ng marinig ang mga bagay na yun

"Syempre ate jing, tuloy pa din ang buhay kahit na ano mang pag subok pa yang kinahaharap natin"

Nakangiti kong payo sakaniya

"Hindi ka na kinikilala ng nanay mo bilang anak tapos kamamatay lang ng papa mo pero sa harap ko parang wala kang iniinda"

Seryosong pag papaalala niya saakin

"Ate Jing naman pinaiiyak mo ako eh good vibes pa naman ako ngayon eh"

Pabebeng reklamo ko

"Oo na oo na, ituloy mo na nga yang pag aayos mo sa gamit mo para hindi na ako mainggit na mag cacamping kayo bukas"

Pag iiba niya ng usapan

"Hayaan mo Ate Jing ipag papasalubong kita ng damo, dahon at mga buhangin hahahaha"

pang iinis ko sakaniya

"Ay kung ganun lang din naman pala ay wag na, ayos na akong malaman na mag en-enjoy ka sa camping"

Napangiti naman ako sa sinabi ni ate jing

Isa siya sa dahilan kung bakit nakakalimuta ko ang mga problema ko,kung paano ako itrato ni Mama higit sa lahat yung pagkamatay ni Papa na paulit ulit kong isinisisi sa sarili ko at marami pang problema na naka pasan sa balikat ko

Matapos kong mag ayos ng gamit ay pumunta na ako sa car garage para hintayin si Jayzer, wala pa mang limang minuto ng makapunta ako dun ay nandyan na si Jayzer

"Good morning Jayzer, gumawa pala ako ng on the go breakfast mo, hulaan mo.... Sandwich hehehe yun lang ang master na master ko eh"

Nakangiting salubong ko sakaniya habang siya naman ay seryoso lang ang tingin niya hindi saakin kundi sa may bandang likod ko, ng mapansin ko yun ay tinignan ko kung anong nasa likod ko

Maleta ko?

Gusto niya rin ba yung maleta na yun, Yan pa yung maleta ko nung pina alis ako ni Mama sa bahay..... Gusto niya din ba ng kulay pink na maleta?

"Gusto mo ba yung maleta ko ako kase  gusto..... Kita"

Pabebeng sabi ko sakaniya na mukhang kina irita niya at tinignan niya ako ng masama kaya bigla akong dumistansya sakaniya at ngumiti ng nakaharap sa kung ano, nilayo ko kase ang tingin ko sakaniya🙂katakot eh

"did you packed all your clothes? "

Naglalakad na tanong niya saakin, sinunda ko naman siya at madaling kinuha ang maleta ko, kinuha niya naman muna yung paper bag na may laman ng sandwich na ginawa ko bago siya lumabas

Mr. Cold [COMPLETED] Where stories live. Discover now