Chapter 7 - Slapped

342 11 0
                                    

Charlotte Pov

Nag babasa ako ngayon sa desk ko dahil may quiz kami sa third subject pero ng biglang dumating si Eunice ay nawala ang concentration  ko

Ikaw ba naman paringgan kahit na alam mong alam niya na naririnig mo siya

"Alam niyo ba.... Na si Charlotte Madrigal... Ay binalewala nanaman ni Jayzer.... Yung lunchbox niya nakita naming itinapon niya hahahahahaha"Eunice

Charlotte mag focus ka walang maitutulong ang pag patol mo kay Eunice, Charlotte concentrate, huwag kang matitinag

Pangungumbinsi ko sa sarili ko

"At ito pa, ang sabi.... Parehas daw sila ng kaibigan niya na nilalandi nilang pareho si Jayzer"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo para harapin siya, pwede niya akong insultuhin sa mga maling akala niya pero hindi niya pwedeng idamay ang mga kaibigan ko, wala silang kinalaman dito

"Anong sabi mo?" pikit matang nanggigigil na tanong ko sakaniya

"Yung alin? Yung parehas kayong malandi ni Jessica? "Pang iinis niya p saakin

Kinuyom ko ang kamao ko para pigilan ko ang galit sakaniya, ang gusto ko lang naman mag review para hindi bumagsak sa quiz pero nag hahanap itong babaeng makate ang singit ng away

"Charlotte huwag mo na siyang pansinin"Pagsasaway saakin ni Jessica

"Huwag mong sayangin ang oras mo sa mga taong wala namang ka kwenta kwenta, they don't deserve your time they are just a shit"

Napangisi naman ako sa sinabing yun ni Kenneth, alam niya talaga ang mga salitang makakapang galit kay Eunice, nice one ;)

Tinignan ko naman si Eunice ng may ngiting nangiinis habang siya, ayan... Mukhang papasabog na bulkan dahil sa galit saamin

Siya ang naghanap ng away pero siya din naman ang unang mapipikon, baliw na ata itong isang to

"Useless? Ako ba ang tinitukoy mo o ang mga kaibigan mo na wala ng ginawa kung hindi lumandi, I'm not the useless one, mga kaibigan mo yun Kenneth they are both SLUT"pinag diinan pa ni Eunice ang salitang slut

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Kenneth sa kinauupuan niya at muntik na niyang sugurin si Eunice, buti na lang at napigilan siya ni Jessica

''Be thankful dahil babae ka pero kung nag kataong hindi ka babae, kanina pa sana kita napatumba"buong diin na panenermon ni Kenneth kay Eunice

Mukha namang ng hahamon si Eunice at nakataas pa ang isang kilay na parang may iuubra siya

"Once na nagsalita ka pa ng masama tungkol kay Charlotte , maski na rin kay Jessica, matakot ka na dahil baka makalimutan kong babae ka"Pambabanta ni Kenneth kay Eunice

Mukhang hindi ko na kailangan gumanti

Masaya akong bumalik sa pag kakaupo ng makitang kalmado na sila Jessica at Kenneth at bumalik na sa pag babasa, kaya ganun din ang ginawa ko, bumalik na rin ako sa pag babasa, natatawa ko pang tinignan si Eunice dahil naiwan siyang nakatayo at nakatunganga

"Mag hahanap kase ng away dun pa sa hindi ka kakasa" pang iinis ko pa sakaniya

Hindi ko talaga makalimutan ang nakakatwa niyang mukha, ang epic kase

"Charlotte Madrigal, hindi ako mag tataka dahil malandi ka,makati at slut, saan ka ba mag mamana sa nanay mo, kulang ka pa nga sa aruga niya kase sugalera ang nanay mo"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga sinabing yun ni Eunice

"Eunice!! "

Sigaw ko ng buong pang gigigil

Mr. Cold [COMPLETED] Where stories live. Discover now