Chapter 13 - Hiding the Truth

292 14 0
                                    

Charlotte Pov

"Pa! Papa! Pa! huwag niyo akong biruin ng ganyan"

Hinalughog ko ang buong bahay namin para hanapin si Papa kahit na manlang sana si Mama para mas malinaw ang lahat ng sinabi niya sa telepono saakin

"Pa! Please magpakita na kayo saakin please! "

Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko dahil habang tumatagal na hindi ko makita si Papa at Mama, pakiramdam ko yung takot ko mas tumitindi.... Paano kung totoo lahat ng sinabi ni Mama sa telepono kanina, paano kung hindi biro yun

Hindi ko na kinaya ang lahat ng bigat na nararamdaman ko at natumba na ako sa upuan na malapit sa kinatatayuan ko, halo halong takot at nerbyos ang nararamdaman ko

"Charlotte? "

"Ma? "

Agad kong tinapunan ng tingin ang taong narinig kong nag salita malapit saakin, boses babae iyon kaya inakala kong si Mama iyon

"Aling Marie..... Ba.bakit po kayo nandito? Mukhang wala po sila mama"

Lumapit ako sakaniya at pinunasan ang basa kong mukha dahil sa pag iyak ko

"Nasa Hospital ang mga magulang mo"Aling Marie

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit kay Aling Marie pero napaatras ako sa sinabi niyang yung

"Ospital? "Gulat na tanong ko

Hindi Charlotte nagkataon lang na nandun sila, hindi totoo ang mga sinabi ni Mama

"Samahan niyo po ako Aling Marie pumunta po tayo sa ospital na sinasabi niyo"

Umiiyak na hiling ko sakaniya,alam kong hindi ko kakayanin na pumuntang mag isa doon dahil sa nararamdaman kong ito

"Sige, sasamahan kita"

Agad na sumakay kami sa taxi at tinungo ang ospital kung nasaan si Mama at Papa, habang nakasakay kami sa sasakyan, hindi ako mapakali, paano kung huli na ako?

"Hi... Hi.. Hindi-"me

Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Aling Marie ang kamay ko

"Kumalma ka hindi makakatulong sayo ang pag papanic, palalain niya lang ang nerbyos na nadadama mo"matamlay na paalala saakin ni Aling Marie

Alam kong may itinatago siya saakin dahil hindi naman siya ganto makipag usap saakin noon, madalas pa nga noon kapag nag uusap kami ay wala siyang kaseryo seryoso pero parang ngayon....... May mali

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko para mabawasan ang pangamba ko, madalas mag biro si Mama saakin ng mga bad jokes, yung tipong iiyak na ako kaya sana naman isa ito sa mga biro na iyon

Nang huminto na ang taxi sa tapat ng ospital, agad akong tumakbo palabas ng taxi na hindi ko na hinintay ito na pababain kami

"Charlotte hintay! "Rinig kong tawag saakin ni Aling Marie

Hindi ko naman siya pinakinggan at tuloy pa rin sa pagtakbo papasok ng Hospital

Agad akong lumapit sa isang nurse at tinanong kung may naka confine ba na Erick Madrigal o kaya naman Flor Madrigal, inabot ako ng ilang minuto dun dahil pinauulit ulit ko sakanilang hanapin ang pangalan ng mga magulang ko sa tuwing sinasabi nilang wala

"Sorry Maam pero wala talaga" pag pupumilit saakin ng Nurse

Nakakailang beses na kase silang naghahanap, mukhang nagsawa na siya

"Charlotte alam mong-"

Hindi ko pinatapos si Aling Marie at agad na tinanong siya

"Ano po bang room si Mama? o kaya naman si Papa? nasan ba sila ngayon?dito ba talaga yung ospital? "Sunod sunod na tanong ko

Mr. Cold [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon