Chapter 15 - Bad Taste

270 9 0
                                    

Charlotte Pov

"Sorry po Sir kung hindi ko po nasabi na may bago pong kasambahay"

Pagpapaliwanag ng kasamahan kong maid, nakayuko na lang naman ako habang nag uusap sila

Si Jayzer pala ang boss ko, hindi ko manlang alam kung anong magiging reaksyon ko syempre masaya ako na makikita ko na ang ultimate crush ko pero malungkot din ako kase hindi ko makikita si Mama

"Sir marunong po ako sa—"

Naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang magsalita si Jayzer

"Then good"

Napangiti naman ako sa sinabi niya, complement ba yun my ghod kinikilig ako

Siniko ko naman yung katabi ko

"Ate, sabi niya good daw ako"

Hindi makapaniwalang sabi ko sakaniya habang siya napailing sa inasta ko

"Nga pala ikaw ang naka assign sa kwarto ni Sir Jayzer, ikaw ang maglilinis dun pero huwag kang mag alala hindi mo naman siya gigisingin sa umaga kaya pwede ka pa ring pumasok ng school mo"

Pagpapaliwanag niya saakin

"Buti na lang mabait yung mga boss natin pinayagan akong pumasok sa eskwelahan"

Nakangiti kong sabi sakaniya

"Ganun talaga sila Sir tiyaka iba naman ang naka assign sa paglilinis ng tanghali at umaga , gabi naman ang schedule mo"

"Thankful pa rin ako kahit ganun

"Sige mauna na muna ako"

At umalis na siya

Kinabukasan
Kinabukasan
Kinabukasan

"Ate Jing bakit wala pa rin si Sir Jayzer hindi ba siya mag aalmusal? "

Tanong ko kay Ate Jing, hindi ko pa kase nakikitang bumaba si kaya nagtaka na ako, kung hindi pa siya mag aayos agad malelate na siya

"Hindi siya nag aalmusal kaya huwag mo na siyang intindihin kadalasan yung nanay at tatay niya lang kumakain dito, dalhin mo ito kela Maam at Sir "

Sabay abot niya saakin ng tea, kinuha ko naman ito at binigay sakanila

Habang inaasikaso ko ang mga magulang ni Jayzer ay hindi pa rin ako mapakali

Breakfast is the most important meal of the day,  baka magkasakit siya sa ginagawa niya

"Yaya? Yaya? Yaya? "

"Maam? " gulat na sagot ko ng hindi napansin na tinatawag pala ako ni Madam

"Ano bang iniisip mo kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot"Maam

"About sa school lang po, sorry maam"

Yumuko pa ako para sincere ang paghingi ko ng tawad, grabe wala pa akong isang linggo dito gumagawa na ako ng eksena

"Bigyan mo ako ng kape"

Utos niya

"Kape po? Sige maam"

Nilagyan ko naman ang tasa niya ng kape, may nakaready na kase ditong kape na nakatimpla

"Charlotte right? " sir

"Opo sir"

Sagot ko naman

"I heard na schoolmate mo pala si Jayzer, my son" sir

"Opo schoolmate ko po sila" magalang ulit na sagot ko

"Then help him kung kailangan niya ng tulong, I know his stress kaya kailangan niya yun"

Mr. Cold [COMPLETED] Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz