Chapter 4 - Jayzer and Jessica

411 9 0
                                    

Charlotte Pov

"Ano wala pa rin ba? "Jessica

"Baka na traffic lang siya alam mo naman pag nagkaron ng traffic dito sa lugar natin siguradong matagalan, di tulad ng jowa mo"Kenneth

"Wala naman akong jowa, kaya walang point yung sinabi mo"Jessica

Pinagmasdan ko muna ang dalawang kaibigan kong halos mataranta na sa pag hihintay saakin malapit na kaseng mag umpisa ang klase namin at hindi naman ako pumapasok ng late o kaya umaabsent kaya nag tataka sila pero pano ako haharap sakanila ngayon, hindi sila sanay makita akong malungkot

"Uh! Ayan na pala siya! "Kenneth

Sabay turo saakin ni Kenneth nung makita niya ako sa kinalalagyan ko

Agad ko namang inayos ang sarili ko, ngumiti na parang walang nangyari, hindi naman pwedeng isama ko sa school ang problema ko sa bahay

"Oo, kanina pa ako dito at hindi niyo manlang ako napansin"

Pag bibiro ko sakanila, habang tinatahak ko ang daan papuntang classroom namin at yung dalawa naman ay sinusundan ako

"Ikaw kase! Alam mo bang 5 minutes na lang mag sisimula na yung unang klase natin tapos wala ka pa rin"

Panenermon saakin ni Jessica

"Kung alam niyo lang ang dahilan kung bakit ako late, sinermonan ako ng na-"

Napatigil naman ako sa pag sasalita ng marealise ang sinasabi ko, mukha namang nagtaka itong mga kasama ko

"Sinermonan? "Jessica

"Sino?! Tara pa baranggay natin"Kenneth

Saglit akong simapal ng kalungkutan pero kinundisyon ko ang sarili ko at ngumiti sakanila

"Wala"

Ngiti kong sagot sa walang katapusang tanong nila

Agad ko narin kinuha ang sandwich na ginawa ko para sakanilang dalawa

"Nalate ako kase gumawa pa ako ng sandwich niyo, tada! "

Buong ngiti kong pag piprisenta sakanila

"Dali, kainin niyo na bago pa dumating yung teacher natin, dali kainin niyo na pag dumating talaga yung teacher natin siya kakain niyan"

Sabay abot ko sakanila, ng makuha na nila ang sandwich ay binalik ko na sa bag ko ang lalagyanan ko nito kanina, sa pag bukas ko ng bag ko ay nakita ko ang lunchbox na may laman ng lunch na niluto ko para lang kay jayzer

Buti pa si Jayzer may lunch akong nagawa, ako ito hindi sigurado kong kakasya yung pera ko para sa lunch... Hay! Bahala na

"Hoy Jessica! Anong meron sainyo ni Jayzer! Magkasama daw kayo sa library nung isang araw, sabihin mo totoo bang girlfriend ka niya ang sweet niyo daw kase, and knowing jayzer hindi siya sweet sa babae"Eunice

Nabigla naman kami sa biglang pag sulpot ni Eunice sa harap namin at tinatanong si Jessica ng mga bagay na yun

"Ano bang paki mo, kaano ano ba kita, at ano ka ba ni Jayzer para malaman mo"

Taas kilay na tanong ni Jessica sakaniya

Kilala si Eunice sa pagiging spoiled brat niya gusto niya lahat sakaniya kaya marami siyang kaaway, mabunganga rin siya pero hanggang dun lang naman siya pag pinatulan mo biglang tatahimik at aarte na feeling siya ang biktima, gaga diba?

"Ang kapal naman na mukha mo, akin siya at kung tinatanong mo kung ano niya ako sasagutin kita ng taas noo, girlfriend niya ako"

Mayabang na sagot niya

Mr. Cold [COMPLETED] Where stories live. Discover now