Chapter 32 - New Life

322 11 0
                                    

Charlotte Pov

"Ito na ang magiging tahanan natin anak, alam kong mahirap, madaming tanong diyan sa isip mo maski kami ng dad mo hindi inaasahan ito dahil ang alam namin pina ampon ka ni Flor, anak basta isipin mo kami na ang mga magulang mo ha? At handa kaming umalalay sayo"

Saya, saya ang nadama ko sa sinabi ni Mrs. Bernald na iyon ramdam ko ang pagmamahal niya saakin, ramdam ko na tila nakalimutan ko na ang pagkalito ko sa nangyayari

"Anak nandito lang kami ng Mom mo"

Dagdag pa ni Mr. Bernald

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at niyakap ko sila

"Salamat Mr. And Mrs.Bernald salamat kase andyan kayo"

Iniharap naman nila ako sakanila

"Dad at Mom ang itawag mo na samin anak ha? Tutal kami naman ang mga magulang mo"-Mr. Bernald

Tama! Sila  ang tunay kong mga magulang kaya dapat akong mag adjust na sa bagong buhay ko

"... Opo, Mom and Dad"

Fastforward
Fastforward

Inaayos ko na ang sarili ko para matulog, malaki ang kwartong ito at kulay pink ang theme na kulay, halos kaseng laki ito ng kwarto ni Jessica pero mukhang mas malaki nga lang ito, kumpleto din ito may sariling banyo at walk in closet may study area pa at kung ano ano pa, malaki din ang kama ko

Hindi ako sanay ng ganto

Tinitigan ko ang kwarto pati na din ang sarili ko sa tapat ng salamin

"Hindi pa ako totally nakaka move on kay Jayzer pero may bago nanamang pagsubok sa buhay ko.... Pero atlis sabay sabay akong makaka adjust, Jayzer kakalimutan ko na ang nararamdaman ko sayo, hindi na ako magpapakamartir at mag popokus na lang ako sa sarili kong buhay, New Life New me"

Kinabukasan

"Nako po maam magugustuhan po ng anak niyo ito"

"Sigurado ka? Naku matagal nanaman itong hinintay ni Albert na mapagluto namin ang anak namin, at sa wakas natupad na"

"Sobrang saya ko dahil kumpleto na tayo, hon"

Rinig kong usapan nila habang pababa ako sa may kusina, inaayos ko pa kase ang robe ko, diba sosyal sosyal na ako ngayon

"Mom.... Dad, good morning "

Naptitig naman sila saakin at ganun din ako sakanila

Masaya ako nag karoon ako ng pagkakataon na maging anak nila Mama At Papa pero nandito na sa harap ko sila Mom at Dad na ramdam kong gusto nilang bumawi saakin, ang saya ko

"Good Morning, ang aga mo naman magising, sigurado ka bang nakatulog ka ng maayos? Baka magkasakit ka kung kinulang ka sa tulog"

Pakikipag usap saakin ni Mom habang inaalalayan niya ako papuntang dining area

"Nakatulog naman po ako ng maaga, kayo po ba"

Inalalayan naman ako ni Dad ng papaupo na ako

"Nako ang mom mo, buong gabi kong sinuway matulog na, pinag isipan niya kase kung anong iluluto niyang pagkain para sayo ngayong araw eh"

Mr. Cold [COMPLETED] Where stories live. Discover now