Chapter 26 - Banta

222 6 0
                                    

Jessica Pov

"Kinikilig ako"

rinig kong bulong ni Charlotte

"Hindi pwede ito, Charlotte hindi ito pwedeng mangyari"

Alam kong naguguluhan ang lahat sa ikinikilos ko, maski din ako ay naguguluhan

Pinagtulakan ko si Jayzer kay Charlotte noon pero bakit parang ayokong mangyari ang mga bagay na ito na pabor naman sa desisyon ko noon

"Jessica ayos ka lang ba? "

Tanong saakin ni Kenneth, hahawakan niya sana ako para pakalmahin pero naglakad na ako palayo

Hindi pwede ito, hindi pwede, mahal ko si Charlotte pero mahal ko din si Jayzer..... Hindi hindi sila pwedeng magsama parehas lang silang masasaktan dahil saakin din ang bagsak ni Jayzer........ Handa na akong itake advantage ang arrange marriage na ito

Pumunta ako sa kwarto nila Jayzer at Kervin,  hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko pero alam kong ito din ang ikabubuti nilang dalawa at ikasasaya ko, hindi naman siguro ito pagiging selfish,  hindi ba?

Ilang oras ko din silang hinintay, alam ko din naman na matatagalan sila dahil kasisimula pa lang ng activity

"Kaya pala gusto mong magsuot ng shade kahit gabi at pormorma kahit may kunting activity lang tayo"

Narinig kong boses ni Kervin, andito na sila

Huminga ako ng malalim para ihanda ang sarili ko, syempre nahihiya din ako dahil pumasok na lang ako basta basta dito sa kwarto nila

Pagkabukas nila ng pinto ay si Kervin ang unang nakakita saakin

"Jessica? Bakit ka nandito? Yung knina bakit bigla ka na lang umalis? Nag aalala tuloy yung mg kaibigan mo sayo"

Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Kervin at nakatuon lang ang atensyon ko kay Jayzer na walang emosyon habang nakatingin saakin,naka poker face nanaman siya

"We need to talk"

Maikling saad ko pero sapat na para maintindihan nilang dalawa na si Jayzet ang tinutukoy ko, alam kase ni Kervin na may arrange marriage kaming dalawa at siya lang ang schoolmate namin na alam ang bagay na yun

"Fine"

Cold na sagot niya

Sinundan niya naman ako habang ako naman ay naghahanap ng tahimik na lugar, ayokong marinig ng iba ang pg uusapan namin dahil baka makarating pa ito kay Charlotte at magkagulo pa

"What now? "

Pagbasag niya sa katahimikan, ilng segundo akong tumahimik bago ako humarap sakaniya

"Hindi kayo pwede ni Charlotte"

Pagkasabi ko sakaniya nun ay hindi siya nakasagot agad, pero wala ka oa ding makikita na pagkalito sa mukha, alam kong madilim ang paligid at hindi ko siya masyadong maabinag pero alam klng ganun ang postura niya

"Why? Kase enggage tayo? "

"hindi lang dahil dun"

"You should be thankful, hindi na kita kinukulit hindi gaya ng dati, and now youre acting like you want my attention because I don't give you that attention like before, tell me, nagseselos ka ba kay Charlotte? "

Sunod na usapan namin, hindi na ako nag atubali at sinagot siyang agad

"Oo, nag seselos ako, kase alam mo naman na gusto kita diba at for pette sake enggage tayo sasaktan mo lang si Charlotte sa huli"

Mr. Cold [COMPLETED] Where stories live. Discover now