Chapter 1 - Karupukan 1.0.1

919 13 0
                                    

Charlotte Pov

Lingon ako ng lingon sa may bintana ng classroom namin, anong oras na kase wala pa siya, natraffic kaya sila nung kaibigan niya

Hindi pa man lumilipas ang limang segundo ng muli akong lumingon sa bintana, ramdam ko na din ang tingin saakin ng dalawang kaibigan ko pati na rin ang pag taas ng kilay nila

"May gusto ba kayong sabihin saakin ? kase pansin ko kanina niyo pa ako tinitignan"

Tanong ko sakanila ng may pag tataka

"Ikaw kase kanina ka pa tingin ng tingin dyan sa labas, may hinihintay ka ba? "

Tanong saakin ni Kenneth habang may pa kumpas kumpas pa siya ng kamay niya

Hindi pa man ako nakakasagot ng biglang nag salita din si Jessica, mukhang alam niya ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali

"Kenneth tinatanong pa ba yan, alam naman natin kung sino hinihintay niyan"

Taas noong sagot ni Jessica kay Kenneth

"Teka, ako yung tinatanong ni Kenneth bakit ikaw sumasagot Jessica?"

"Hindi mo naman na kailangang sagutin yung tinanong ko kase obvious na obvious na, gumawa ka nanaman ng almusal para sakaniya hindi ka naman sigurado kung kakainin niya yan"

Matamlay na paliwanag ni Kenneth saakin

Sus... Nagtampo nanaman ang barkada,  ito ka lalaking tao matampuhin

Agad naman akong lumapit kay Kenneth at inakbayan siya

"Naku naku, itong barkada kung ito nag tampo nanaman, nag almusal ka na ba huh? "

Pagtatanong ko sakaniya

"Bakit ginawan mo rin ba kami ng almusal ni Kenneth "Jessica

"Huh..... Hindi... Kase ano..... Late na kase ako nagising kaya-"

Agad naman akong nasapawan ni Kenneth sa pag sasalita ng bigla siyang nag salita

"Wala ka naman palang hinanda tatanungin mo pa kami"kenneth

Tinanggal niya naman ang pag kaka akbay ko sakaniya kaya naman napasimangot naman ako sa ginawa niyang iyon

"Kase, puro ka kase dun sa Jayzer na yun hindi ka naman pinapansin, kami naman na kaibigan mo ginawa na ang lahat para mapansin mo kami pero ikaw ito nililibang ang sarili sa lalakeng maraming babae"jessica

"Oy hindi ganun si Jayzer ah, mabait yun sa sobrang bait nga nun ang daming bumibilib sakaniya"

Sagot ko sakaniya

"Maniwala, mga babae lang niya yun, tignan mo inaaway mo na ako dahil lang sa lalakeng yun, talaga ngang pinag palit mo na kami dun, halika na nga Kenneth sa canteen, bumili tayo ng almusal natin wala naman kaseng nag aalalang kaibigan dyan kung naka pag almusal na ba tayo! "Jessica

"Eh... Beshie naman, Kenneth, Jessica pina iiyak niyo naman ako eh, parang sinasabi niyong wala akong kwentang kaibigan"

Pag iinarte ko sakanila

"Ito naman joke lang yun, ikaw naman Charlotte hindi ka na nasanay kay Jessica eh alam mo namang may topak yan"

Pang aamo saakin ni Kenneth

"Hindi nam-"jessica

Napansin kong sumenyas si Kenneth kay Jessica na sabayan na lang siya sa pang aamo saakin

"Hin-, hooo heto nanaman tayo, oo na sige na, sorry na mali yung sinabi ko, hindi ko naman intensyon yun nag seselos lang ako kay-"

"Ahhhhh andyan na si Jayzer"

Mr. Cold [COMPLETED] Where stories live. Discover now