Chapter 2 - Sermon everywhere

526 13 0
                                    

Kenneth Pov

Agad kong pinulot ang baunan na itinapon ni Jayzer

Sobrang yabang niya, hindi niya ba alam na nag away pa kami nila Charlotte dahil lang dito, tapos itatapon niya lang, ang kapal ng mukha niya para balewalain ang effort ni Charlotte

"Oh! Kenneth andito ka lang pala"Jessica

Agad ko naman tinago sa likod ko ang lunchbox na tinapon ni Jayzer

"Natapos lang yung unang klase tumakbo ka na palabas, gusto mo pa bang mapadetention "

Panenermon ni Charlotte saakin

"Papunta ako ng cr kaya ako tumakbo palabas, nakakabawas point kaya kapag ka naihi ako sa short 19 years old na ako"

Pangangatwiran ko

"Ikaw pasalamat ka good mood ako kung hindi binatukan na kita"jessica

Tangkang babatukan sana ako ni Jessica kaya iniharang ko ang dalawang kamay ko, pati na rin ang kamay ko na hawak ang lunch box

"Sabi mo good mood ka, tapos ngayon babatukan mo ako"me

"Oo,  good mood ako kaya dapat kang mag pasalamat"Jessica

Naramdaman ko naman ang tingin ni Charlotte sa hawak kong lunchbox kaya nung nag process sa utak ko na hindi ko na pala ito tinatago ay agad ko ulit itong nilagay sa likod ko para hindi niya makita, pero mukhang walang silbi, dahil mukhang nakita na niya talaga ito

Bakit ba kase ang tanga ko eh!

"Kenneth ano yang lunchbox na yan? "

Tanong ni Charlotte saakin

"Huh? Anong lunchbox? Oy! Charlotte nananaginip ka ba? "

Pag sisinungaling ko sakaniya, umarte pa akong hindi ko talaga alam ang sinasabi niya, umaasa kase akong gagana yun

hindi naman nag bago ang mukha niya at mas nagalit pa

"Kenneth! Ipakita mo na kung hindi, bubutasin ko yang tiyan mo! "

Galit na pag babanta saakin ni Charlotte

Tulin ko naman ng ipinakita sakaniya ang lunchbox na tinotukoy niya, ayokong mabutasan nang tiyan dahil lang diyan

"Ito yung... "Charlotte

"Sabi ko na sayo hindi niya kukunin yan at mas lalong hindi niya talaga balak kainin yan"

Panunulsol sakaniya ni Jessica, imbes na pakalmahin niya si Charlotte mas napili niya pang palakihin ang gulo

"Paano mo nakuha ito? Ito yung ibinigay ko kay Jayzer? "

Sunod sunod na tanong saakin ni Charlotte

"Sabi ko naman sayo hindi niya talaga yan kukunin "Jessica

"Hindi! Jessica kinuha niya ito kanina, ako mismo ang nagbigay nito sakaniya, diba kinukwento ko pa sainyo? Kenneth? Paano mo nakuha ito? "Charlotte

Sasagutin ko ba siya ng totoo na nakita ko lang ito sa tabi ng trash can para maisip niya nahulog lang ito ni Jayzer at para mas mabulag pa siya kay Jayzer, o sasabihin ko ang totoo sakaniya, masaktan man siya matatauhan naman siya

Anong sasabihin ko?

"Oy! Kenneth naistatwa ka na diyan, hindi mo ba kayang sagutin yung tanong ni Charlotte? Simpleng simpleng tanong natatameme ka diyan"Jessica

Bago ko sagutin si Charlotte ay tinignan ko na muna siya sa mata, alam ko na kung anong dapat kung sabihin

"Nakita kong........ Tinapon niya yan, sa harap ko mismo"me

Mr. Cold [COMPLETED] Where stories live. Discover now