Prologue

2.4K 45 3
                                    

"sure kaba talaga dito aky?" Tanong ko sa kaibigan ko.. nandito kami ngayon sa pinagtatrabahuhan ng 'Boyfriend' nya.. naghihinala kasi siya sa boyfriend nya dahil palagi nalang daw nawawalan ng oras sakanya.. OA talaga.. "oo! Wag ka ngang ano! Huhulihin lang naman natin e!

"At ano naman ang gagawin mo kung may babae nga? " Iritado kong tanong sakaniya 'aish! Napaka gaslaw naman nito parang kiti kiti talaga!' ..

"Ha?! Grabe ka sakin huhu" at umakto siyang umiiyak "siyempre naman kakalbuhin koyung babae niya! Siguraduhin niyang mas maganda sakin yon ha!"...'tsk tsk bakit ba kasi iniiyakan nya yun?'

"Ano kaba?! Para kang ewan. Bakit ba kasi baliw na baliw kadiyan? " Inis na tanong ko. "Muka namang virus yan e.." bulong kopa..'totoo naman kasi wag nyo ko sabihang harsh ah!'

"Wow ha! Dika naman harsh nyan diba?" Tanong niya. ' honest lang ako' .."ikaw nga e..babae lang yung nakapagpatigil sayong manlalake" ganti niya sakin...bahagya naman akong natigilan

"Wag mong idamay yung nangyare samin ni ayla, pwede ba?..hindi mo naman kasi alam yung istorya at please naman aky! Wag mona siyang banggitin sakin!" Inis na sabi ko 'and yes..tama kayo ng hinala..babae nga ang nagpaseryoso sakin.'

"Psh! Sorry na! Matagal na yon zoey, hanggang ngayon ba siya padin?.. kahit anong pilit mo..kasalanan sa diyos yan..eh siya pa nga ba ha?" Tanong niya sakin.









'siya pa nga ba?..' tanong ko sa aking isipan. "H-ha? , B-baliw! A-ano syempre h-h-hindi na noh!" I lied.

"Weh?ulol!" Natatawang aniya. "Ikaw? Makakamove on dun? Sinong niloko mo? Woi! FYI mag e-eight years na tayong magkaibigan! Kaya hindi ka na pwedeng magtago ng secrets". Sabay pitik sa noo ko.

"Aray! Para kang timang! Madali lang makamove on! Babae yun akyy! BA-BA-E.. kung mga lalaki nga di ako mapatino siya pa kayang B-babae?" Kabadong tanong ko sakanya.. 'hindi ko maipagkakaila na siya padin hanggang ngayon pero gusto kong paniwalaan nila akong hindi na si ayla ang mahal ko'

"O...key? Teka! Nasan nayun?! Andaldal mo naman kasi! Wala na tuloy!". Inis na baling nya sakin 'aba siraulo to ah nadamay pako! Sana kasi di niya ginawang topic si ayla'

"Tuleg! Diko kasalanan noh! Sakalin kaya kita?! Pagbuhulin moyung KABIT at yung VIRUS mong boyfriend pag nakita mo! Tabi nga! Mag c-cr ako sa labas dyan kalang ah!" Paalam kopa sakanya

"Hoy! Zoey bilisan mo ah!". Sigaw niya pa sakin...'ingay talaga! Aish! Asan ba kasi cr dito napaka liit na nga lang nito e diko pa mahanap kainis!'

"Huli ! Pero dika kulong" tuwang tuwa kopang sabi ng nakita ko na ang cr.. pagtapos kong magcr ay lumabas nako para tignan ang muka ko sa salamin.. "hyss..ikaw pa nga din ba?" Habang nakatitig ako sa salamin ay bigla nalang nagbukas ang pinto ngunit diko iyon pinagtuunan ng pansin.

Lalabas na sana ako ngunit natigilan ako ng makita kung sino ang pumasok sa loob

'si ayla...'

Halatang natigilan din siya ng makita ako. Halos mabuhusan naman ako ng tubig ng makita kung sino ang nasa likod niya

"Baby. Im staying here outside" sabi ni alvin ang fiancee nya.

"O-oh sure" unti unti akong napaatras ng papalapit siya sakin..'joke lang! Sasalamin pala'

Palabas na ulit sana ako ng kapitan nya ang braso ko.. parang may boltahe ng kuryenteng gumapang sa buong katawan ko.. binaba ko naman ang tingin ko doon kaya dali dali niyang tinanggal.

"H-hi.. h-how are y-you?". Tanong ko sakanya. 'ano ba naman to? Akala koba okey na bakit naman gantoo!'

"Im fine and y-you?". Namuo ang luha ko ng marinig ulit ang boses niya ng malapitan. 'babaeng pinakaminahal ko'

"Uhmmm o-okey naman!" Papaiyak ng sagot ko sakanya.

"It's been 3 yrs. P-pero parang-". Hindi niya naituloy ang sinabi niya dahil bigla na lamang bumukas ang pinto!

"Zoe-" halatang namutla siya ng makita si ayla kaya naman dali dali niya akond dinaluhan..

'salamat aky..'

"Hey ayla! How's your life going?"tanong ni aky nahalata padin ang gulat sa muka

"Aky! Uhmm g-going well" pilit ang ngiting pinakita niya samin kaya naman tumalikod ako saglit para punasan an luha kong papatak na

'ang sakit sakit padin pala..' sabi ko sa isip ko

"Uhm! Ayla! Una na kami ha? Mag s-spy-...este may gagawin pa kami ni zoey e!.." mukang nakahalata na si aky kaya naman dali dali niya akong hinila palabas at niyakap.

"Zoey.." at dun nako humagulgol ng humagulgol. Sobrang sakit padin pala kahit anong tagal na ng nangyare

"Aky.. ano ba to?..ilang taon na ang nakakalipas pero bakit siya padin?" Umiiyak kong tanong

"Shh.. everything will be fine.. wag kana umiyak." Dahan dahan naman akong tumango kahit pa alam kong hindi iyon nakabawas ng pasakit sakin.

"Zoey?" Tawag ng pamilyar na boses sa pangalan ko. Para naman akong naubusan ng lakas sa nakita ko kung sino iyon...

'ang ex ko'

"K-kyst!" Kunwaring masayang pagbati ko sakanya

" Musta kana? Tagal nadin ng nagkita tayo ah?" Tugon nya sakin at dahan dahang pinasadahan ng tingin si aky..
'ang walangya parang di padin nagbabago'

"Okey lang naman ikaw ba?". Sarkastikong tanong ko sakanya 'nako! Wag sanang mahumaling ulit si aky sakanya'

"Mmm eto mayaman na at ganun padin. Daming chicks" pagmamayabang nya pa sakin..'siraulong to..HAMBOG!'

" Ah talaga? Musta naman ang pagiging masaya mo nung panahong sinira moko?". May nagbabadya na namang luha sa mata ko. 'tsk isa kadin sa sumira samin kyst."

Halos matigilan naman siya sa tanong ko. "BWHAHAHAHA hanggang ngayon ba naman hindi kapa din nakakamove on?" Tanong nya.

"Pag sinabi kobang 'hindi pa' sa tingin mo maibabalik moko ulit sayo?" Tanong ko.

"Shut up. " Inis na sa utos niya. 'tsk tsk sino ba siya para utusan ako?'

"Mmm kumalma ka. Eh ikaw?hanggang ngayon ba ako padin? Nakakatawa ka."
Pang aasar ko pa sabay hila kay aky at lagpas kay kyst. Sinadya kopa siyang bungguin ng lalong mainis.

Tinignan ko naman si aky na namumutla padin. "Huy! Nangyare sayo?.." tanong ko kaya't bahagya syang natauhan.

"H-huh? A-ano kaba? H-haha tara na nga! " Sabi niya sakin sabay hila papasok sa kotse ko.

'anong meron dun at namumutla? Tsk' sinulyapan kopa sya ng isang beses.
"Hoy! May tinatago ka sakin noh? Ano yun ha? Siguro mahal mopa yun si kyst noh? May bf kanang virus diba?". Tanong ko.

"Tsk hindi noh!" ..'eh? Kanina lang namumutla sya tas ngayon ang hinahon niya'..baliw..

"Sure ka?" Tanong ko sakanya

"O-o-oo naman" kabado ulit na sagot nya

'parang may mali...'

I GOT A GIRL | GL STORYWhere stories live. Discover now