Chapter 9

430 10 0
                                    

Zoey's POV

Apat na araw na simula ng pinagplanuhan namin nila Aky ang magiging ganap sa Birthday niya. Nakapag usap na din kami ni daddy at nagkaayos. Masaya ako na natanggap niya kung ano at sino talaga ang gusto ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto at iniintay ang tawag nila Aky dahil balak naming gumala dahil fiesta sa amin kaya naman naghahanda na ako ng susuotin. "Mas okey na siguro.. uhmm ito!" Aniko sa sarili ko habang napili ng damit na susuotin ko.

Nang nakapili na ako ng maisusuot ay dumeretso na ako sa CR at naligo. Habang nakatunganga ako sa loob ay nag iisip ako kung saan ko pwedeng yayain si Ayla pag gumagala na kami.

Ilang oras pa ako nasa ganong sitwasyon nang maisipan ko ng lumabas. Ramdam ko ang lamig dito sa loob dahil nakalimutan kong patayin ang aircon.

Habang nagbibihis ay halos mapaigtad ako ng marinig na magring ang phone ko kaya naman halos magtatatalon akong sinagot iyon. "Aky ano na?!" Aniko. Narinig kong may kumaluskos sa kabilang linya bago Ito magsalita.

"Excited? Sis! Ikaw na lang iniintay namin lahat dito-" nagulat ako sa sinabi niya kaya mabilis ko itong pinutol at lumabas agad ng kwarto. Sumilip naman ako sa baba at nakita ko nga sila. Nginitian nila akong lahat kaya dali dali akong bumaba. "Dika pa nakakapagsuklay!" Ani Aky kaya naman umirap ako sa kaniya.

Sinulyapan ko silang lahat na magkakatabi sa dalawang mahabang sofa namin. Magkakatabi sila Savy, aky, Precious, kately sa isang sofa at sila kyst, Alvin , Venry at Arianne naman sa isa. Sumulyap ako kay Ayla na nakahilig lang ang ulo sa paborito kong malambot na upuan. Natutulog na naman.. haha

"Kanina pa tulog yan. Ang bagal mo kasi e!" Ani kately at sinang ayonan naman nilang lahat. "Kilos na! Aba!" Aniya ulit kaya mabilis akong pumanik sa kwarto ko at nagsuklay. Naglagay nadin ako ng light make up.

Pagbaba ko ay gising na si Ayla kaya naman napangiti ako ng dali dali siyang tumayo. Lumapit agad ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay kaya naman tumingin silang lahat sakin. "What?" Tanong ko at umiling na lang sila.

"Bagal mo!" Anila kaya naman napapahiyang sumulyap ako kay Ayla na nakangiting nakatingin sakin.

'kasalanan koba?! Hindi nila sinabing dito meet up. Tsk.'

"S-sorry" aniko kay Ayla kaya naman pinisil niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya at nginitian ako.

"Hoy! Bakit kay ayla ka lang nagsosorry?" Biglang sigaw ni Savy kaya naman inis akong bumaling sa kaniya.

"S-sorry.." aniko kaya naman tumango nalang sila at tumalikod na para lumabas. Narinig kong bumulong si Ayla kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Big deal na sa kanila yon?" Bulong niya kaya naman natawa ako ng mahina dahil baka marinig nila. "Tsk. O.A talaga ni savy" aniya kaya lalo akong natawa.

"totoo naman kasi e.. pinaghintay ko pa sila" aniko. Umiling na lang siya at nginitian ako kaya tumungo na lang ako dahil ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko. Nawala ang ngiti sa labi ko ng naalala ang nangyare nung nakaraang araw kaya tinanong ko sila. "A-ayla.. yung buhok mo-??" Hindi kona naituloy ang itatanong ko dahil mabilis niya kong pinigilan.

"Ayos lang ako." Aniya kaya tumango ako ng may pag aalinlangan.

Hanggang sa pag labas namin ay bagsak ang balikat niya at parang namumutla. "Aly! zoey! Tara na!" Nagulat ako sa tawag ni Savy samin kaya naman hinila ko siya papasok sa Van.

I GOT A GIRL | GL STORYWhere stories live. Discover now