Chapter 12

349 12 0
                                    

Zoey's POV

Napangiti ako sa huling salita na sinabi niya kaya alam kong maganda ang magiging tulog ko ngayon.

Tuloy pa din si Ayla sa pagsuklay sa'kin habang ako naman ay tulog na. May sinabi pa si Ayla sa'kin pero di ko na iyon narinig.

Hindi ko inaasahan na mamahalin ko ng higit pa sa sarili ko ang babaeng nasa tabi ko.

NAGISING na lang ako ng wala na akong maramdaman sa gilid ko kaya unti unti kong minulat ang mga mata ko at tama nga ako. Wala na si ayla..

Nauna na siguro 'yon sa baba kaya hindi na'ko inintay. Umupo muna ako at kinusot kusot ang mata ko para matanggal ang antok ko.

Sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang kamay ko at napangiti na lang sa hangin dahil sa wakas ay sinabi ni Ayla sa'kin na mahal niya din ako.

Nakangiti akong tumayo at dumeretso sa bathroom. Habang naliligo ako ay di ko maiwasan talagang mapangiti.

Pagtapos ng 30 minutes Kong pagligo ay lumabas na ako ng nakatapis at kumuha ng masusuot ko. Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang tuwalya at nagbihis na.

Dumeretso ako sa may salamin at tinignan ang itsura ko. Ngumiti na lang ako sa salamin at nagsuklay na din ako para mas mapabilis ang pagbaba ko.

Nagpabango muna ako at nakangiting lumabas. Nakita ko si Aky na balisa at mukhang papunta siya sa room namin ni Ayla kaya nakangiting nilapitan ko siya "Goodmorning aky!"

Pilit na ngiti naman ang ibingay niya sa'kin pero di ko na yun pinansin. "Z-zoey... T-tara sa l-loob ng room nyo hehe.. patingin ng loob"ani Ayla na balisang balisa pa din at halata ko ang paulit ulit niyang paglunok kaya naman nginitian ko pa din siya.

"Ano kaba! Pare-parehas lang naman yung room natin ah? Tara sa baba! Sabay na-"

"a-ah.. paCR na lang.. k-kanina pa kasi ako n-naiihi e!" Aniya kaya naman tumango na Lang ako at bumuntong hininga dahil gusto kona talagang bumaba para makita si Ayla.

Pumasok kami ni Aky sa loob kaya naman umupo ako sa kama at inintay si Aky na lumabas ng CR. Kinuha kona lang ang phone ko at nakita kong may ni-send si Kately na picture sa GC namin pero di ko iyon makita dahil wala akong load! Aish! Badtrip..

Kately sent a photo.

Kately Thalia Dizon: wahh! Kinikilig ako sa kanila!

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya kaya naman sa hindi malamang dahilan ay biglang bumigat ang pakiramdam ko. Napalunok na Lang ako dahil hindi ko alam bakit bigla akong tinamad bumaba.

Tinago ko na ang phone ko at pilit na ngiti na lang ang ibinigay ko kay Aky nang nakalabas na siya. "Tara na-"

"U-uhh Zoey, p-pwede b-bang magstay muna tayo d-dito?" Aniya kaya naman kinabahan ako dahil alam kong may tinatago sa'kin si Ayla.

"bakit?"

"W-wala lang.. t-tinatamad k-kasi a-ako e"

"doon na lang tayo sa tabing dagat! Picture-an Kita! Dali-"

"A-ayoko hehe w-wag na ano kaba!"

Nakaramdam na talaga ko ng kakaiba sa mga kinikilos ni Aky, hindi ko alam kung may tinataguan ba siya o may pinoprotektahan. "Edi a-ako na lang baba-"

I GOT A GIRL | GL STORYWhere stories live. Discover now