Chapter 15

420 12 2
                                    

Zoey's POV

"M-mom, h-hindi po ba parang ang p-pangit pag n-nagpakalbo p-po ko?" Tanong ni ayla kay Tita Jackie.

"No, anak! Ano kaba haha! Maganda ka pa din," nakangiting sagot ni Tita Jackie kay ayla.

Sumulyap naman ako kay Ayla na ngayo'y nakatingin na sa'kin na para bang nag aalinlangan sa gagawin niya kaya naman tumayo ako at lumapit sa kaniya, "G-gusto mo bang samahan kitang maging kalbo?" Walang pag aalinlangang tanong ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

"H-ha? h-hindi mo na kailangan gawin yun z-zoey-"

"Pero gusto ko..."

"zoey.."

"Gusto kong Wag mong maramdamang nag-iisa ka kasi nandito ko lagi para sayo" hindi na napigilan ng boses ko ang pagkabasag kaya niyakap ko siya ng mahigpit upang di niya makita ang pagbagsak ng luha ko.

Hinang hina pa din ako sa mga nangyayari kay Ayla dahil hindi ko kayang tiisin na panoodin lang siyang tinitiis ang sakit ng mag-isa.

Pinunasan ko agad ang luha ko at nakangiti ng humarap kay Ayla, "a-ayos lang sayo?" Tanong niya ngunit hinalikan ko lang ang noo niya bilang sagot.

Kaya naman sinumulan na nilang tanggalin ang maganda at makapal na buhok ni Ayla. Kita ko sa mukha niya ang pag aalinlangan ngunit mariin ko lang na hinawakan ang kaniyang kamay at hinalikan ito.

Napangiti na lang ako dahil sa nakikita kong nahihiya si Ayla sa itsura niya kaya tinaas ko ang baba niya at pilit na hinuhuli ang mga mata niya, "Ang cute mo! Hihi, kamukha mo si..."

"H-ha! M-may kamukha ako?!" Gulat na tanong niya kaya bahagya akong natawa.

"mmm! Ako! Pareho tayong maganda pag walang buhok!" Aniko sa kaniya kaya ngumiti lang siya sa'kin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumuo ng luha niya dahil sobrang lapit namin sa isa't isa, "b-bakit?" Nag aalalang tanong ko.

"Mamahalin mo pa din ba'ko kahit ganito na ako?" Tanong niya kaya bahagya akong natigilan.

"Mamahalin kita hanggang sa tumanda tayo, mamahalin kita kahit puti na ang mga buhok mo, mamahalin kita kahit wala ka ng ngipin, mamahalin kita kahit pumangit kapa, at m-mamahalin kita ng mamahalin hanggang sa magsawa ka" nakangiting tugon ko sa naging tanong niya bago punasan ang luha niya.

Sinimulan na din nila ang pagtanggal sa mahaba kong buhok kaya napangiti ako ng makitang mas nanghihinayang pa si Ayla sa'kin, "ginusto ko 'to, wag ka mag alala haha!" Nanghihinang tugon ko ngunit nginitian niya lang ako at muling tumingin sa ginagawa ng nagugupit sa'kin.

Tatayo na sana ako nang biglang natumba si Ayla mula sa pagkakatayo kaya agad akong natakot at sumigaw.

"T-tita! S-si A-ayla p-po!"

Agad namang bumukas ang pinto at gulat na napatingin sa'min si Tita kaya mabilis nilang tinawag ang doctor.

"D-doc! A-ano pong nangyayare sa kaniya?" Naiiyak ng tanong ko, "pagalingin niyo po siya, please!" Muli kong sigaw ngunit tumungo lang ang doctor sa'kin at inalalayan na ako palabas ng pinto.

G-god, natatakot pa po ako, please po wag po muna ngayon, wag po muna..

***

"Congrats zoey! Honor ka ngayong quarter! We're so proud of you!" Nakangiting bati sa'kin ng mga kaibigan ko kaya ngumiti lang ako ng mapait sa kanila at tumingin sa card ko.

I GOT A GIRL | GL STORYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang