Chapter 13

328 12 1
                                    

Zoey's POV

Hanggang sa magising ako sa kwarto ay dala dala ko pa din ang bigat ng pakiramdam ko at patuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko dahil masyado na kong nasaktan.

Gusto ko siyang kausapin at itanong kung masaya ba siya sa naging desisyon niya? Kung napipilitan lang ba siya? Kung mas gusto niya bang sumama sakin?..

Sa loob ng ilang buwan ay natutunan kong magmahal ng taong di ko inaasahang mamahalin ko, hindi ko akalaing siya din pala ang sisira sa'kin.

Pero bakit parang mas pipiliin kong paulit ulit na lang na bumigay sa kaniya kaysa sa sumuko ako?..

Humugot ako ng malalim na hininga bago punasan ang mga luhang pumapatak sa'kin.

Siguro nga mas mabuting tanggapin kong mas masaya siya sa iba, na hindi ako yung totoong magbibigay ng kulang sa kaniya , at yung mamahalin niya hanggang sa dulo.

Kinagat ko ang labi ko dahil kahit alam kong nasasaktan ako sa mga iniisip ko ay tinatanggap ko pa din dahil alam kong hanggang doon na lang talaga..

"Bakit ba kasi ang sakit mong mahalin?" Napatanong na lang ako sa sarili ko. Napabuntong hininga na lang ako at lumingon sa hinihigaan kanina ni Ayla.

Ang saya lang namin kahapon..

Tumayo na lang ako para maligo dahil masyadong lumagkit ang balat ko sa kakaiyak. Papasok na sana ako sa CR nang biglang tamaan ng sinag ng araw ang mga mata ko.

Dahan dahan ako lumapit sa papalubog na araw at hindi ko mawari kung bakit pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko habang nalapit ako dito.

Naalala ko na naman ang mga nakaraang araw. Ganitong ganito ang mga nangyayare sa'kin pagtuwing nakakakita ako ng araw. Biglang bibigat ang pakiramdam ko sa di malamang dahilan.

Hindi ko alam kung anong maaaring maging dahilan ng pagkaganito ko. Wala naman akong sakit sa puso. May masama kayang mangyayari?..

Ilang minuto ako pa akong nakatingin dito ng biglang tumunog ang phone ko sa kama. Lumapit ako para kuhain 'yon upang tignan kung sino 'to.

Biglang namuo ang kaba sa'kin ng makitang si Aky ang tumatawag sa'kin. Bihira lang tumawag sa'kin si aky at alam kong mahalaga ang sasabihin niya. Ngunit nagdadalawang isip padin ako kung sasagutin ko ba dahil alam kong may tampo pa din ako sa ginawa niya kanina.

Sa huli ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang sagutin ang tawag niya "ano?" Malamig kong tanong sa kabilang linya.

"Z-zoey..s-si ayla"

Biglang bumigat ang paghinga ko ng banggitin niya ang pangalan ni Ayla sa'kin. "Aky please naman, masaya na si Ayla kay-"

Hindi kona naituloy ang sasabihin ko dahil muli na naman siyang nagsalita "Nasa o-ospital si A-ayla.. tulungan m-mo siya, p-please"

Para akong tinanggalan ng enerhiya sa sinabi niya dahil hindi ko akalaing hahantong ang paghihirap ko dito "a-anong nangyare?," Tanong ko sa kabilang linya.

"p-please.. zoey"

"sabihin mo sa'kin aky! Ano ba!"

Bigla nalang nawala ang kausap ko sa kabilang linya ngunit nag iwan ito ng mensahe kung saan ang lugar ng ospital na 'yon.

Sa sobrang kaba ko ay jacket na lang ang kinuha ko at dumeretso na sa kwarto ni Kyst. Habol habol ko ang hininga ko habang natakbo.

Nang makarating ako sa may pinto ay agad akong kumatok at hindi naman ako pinag intay ni Kyst dahil binuksan niya agad ito.

I GOT A GIRL | GL STORYWhere stories live. Discover now