Chapter 8

460 11 0
                                    

Zoey's POV

Hindi ko alam kung Tama ba Ang naging desisyon kong sabihin Kay Aky Ang totoo kong nararamdaman. Alam kong mapagkakatiwalaan siya pero diko padin nasisigurado kung matatanggap niya ako. Mahirap ilihim Ang nararamdaman para sa isang Tao Kaya kailangan mo minsan na may masasabihan.

Maaaring Hindi lahat ay ganon pero mas masarap padin sa pakiramdam na may nakikinig sayo sa lahat ng oras at handang yakapin ka sa oras na nanghihina kana.

Bigla na lamang pumasok si Ayla sa isip ko kahit na dapat si Aky ang nandito.

Madami na siyang binago sa akin. Madami na siyang naitulong at dahil sa kaniya ay maganda na Ang samahan namin mommy, nagkahingian kami Ng tawad ni mommy pero si daddy ay diko pa nakakausap dahil sa sobrang abala niya sa lahat ng ginagawa niya.

Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko dahil Hindi ko alam kung maaayos paba kami ni daddy.

Magkakaayos kami, at alam ko iyon...

Nasa kwarto ako ngayon at nakatingin sa kisame. Iniisip kopa din kung anong magiging reaksyon ni Aky bukas. Tumayo muna ako at kinuha ang phone sa tabi ko.

Nakita Kong nagreply si aky sa usapan namin kanina. Natigilan ako ng mabasa kung ano Ang sinabi niya.

Aky Shane Ramirez:

:I know, tanggap kita.

Zoey Davis:

:Thank you aky.

Aky shane Ramirez:

;Haha always! <3

Napangiti ako sa mga sinasabi niya sakin. Ilang oras pa akong nasa ganong sitwasyon nang nakaramdam nako ng antok Kaya pinahinga kona Ang mga Mata ko.

MAAGA akong nagising dahil naalala ko na ngayon pala ang kuhaan ng card namin kaya kabado ako sa magiging resulta niyon.

Nakaupong kinusot kusot ko Ang aking mata upang matanggal ang pag kaantok ko. Tumayo nako at demeretso sa CR upang maligo. Habang nagbababad ako sa loob ay may narinig akong katok Mula sa labas kaya inis Kong binilisan Ang aking pagligo.

Nakatuwalya Lang ako ng lumabas sa CR at patuloy padin ang katok ng kung sino man ang nasa labas.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino iyon, nanlaki din ang mga Mata niya at bumaba Ang kaniyang paningin sa aking dibdib kaya isinarado ko agad ang pinto at nagbihis. Anong ginagawa niya dito?!

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko muling buksan Ang pinto. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya namula Ang mukha ko. Ano bang ginagawa niya?

"Sabay na tayo kumuha ng card?" Tanong ni Kyst sakin habang nakangiti kaya naman tumango nalang ako at ni-lock ang pinto ng kwarto ko.

Habang bumababa kami sa hagdan ay diko maiwasang magtanong sakaniya kung sino ang nagpapasok sakaniya dito at papaano siya nakapasok dito.

"Sinong nagpapasok sayo dito? Asan sila mommy?" Tanong ko sakaniya kaya naman tumingin siya sakin at inginuso sila mommy sa dining area.

Pumunta ako sa tabi ni mommy at umupo na , naalala Kong kasama ko nga pala si Kyst kaya naman tinanong ko kila mommy kung sinong nagpapasok sakaniya.

"Mommy? Sino pong nagpapasok Kay kyst?" Bulong ko Kay Mommy.

Tinignan niya Lang ako at tumawa. "ako, nabanggit niya kasi sakin na kuhaan daw ng report card niyo kaya naman pinapasok kona para sabay kayo"
Nagtataka padin ako kung bakit parang walang alam si daddy saming dalawa ni Kyst kaya naman..

I GOT A GIRL | GL STORYWhere stories live. Discover now