Chapter 11

370 10 0
                                    

Aky's POV

"Hoy savy! Tabi tayo ah?" Aniko kay savy na inaayos ang kaniyang mga damit. Tinignan niya ako bago tumango at bumalik sa ginagawa.

Kinuha kona lang ang phone ko at tinext sila Mommy na nakarating na kami sa Hotel. "Aky?" Ibinaling ko ang tingin ko kay Savy na tuloy padin ang pag aayos at pangangausap sa'kin.

"Hmm?"

"May napapansin ka sa ngiti ni Alvin?"

Natigilan ako sa sinabi niya dahil naalala ko na naman ang napag usapan namin ni Alvin kagabi. Tinitigan ko lang si Savy na tuloy sa pagliligpit.

"H-hindi ko siya n-napansin, bakit?"

"Iba yung ngiti niya pag kasama si Ayla e"

"paanong iba? Haha! Diko naman nahahalata e"

"aish! Wag na nga!"

Ang totoo ay napapansin ko din 'yon lalo na't umamin na siya sa'kin at may balak pang gumawa ng surprise para kay Ayla.
Hindi ko alam kung dapat koba sabihin kay Zoey dahil may karapatan naman siya. Pero ayokong masaktan si Zoey..

Hindi kona lang pinansin si Savy at nagtuloy na lang sa pagpo-phone. Naisipan kong mag-fb muna kaya naman binuksan ko ito. Bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Ayla habang nakatingin sa side niya na parang manghang mangha sa nakikita niya.

Tinignan ko kung sino ang nagpost kaya ganon na lang ang gulat ko nang nakitang pangalan ni Zoey. Napangiti ako nang nakita ko ang caption niya dahil hindi ko alam kung sino ba talaga ang tinutukoy niya doon. Yung mismong view ba or si Ayla?

Best View..

Nagpatuloy lang ako sa pag-ffb ko hanggang sa tapos na si Savy sa ginagawa niya kaya naman nag ayos na kami ng damit namin para magtampisaw sa labas.

"Okey na 'to noh?" Tanong ni Savy sakin habang Pinapakita sa'kin ang suot niyang swimsuit.

"Parang ang halay mo naman diyan sis!" Biro ko kaya nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya kaya mabilis kong binawi ang sinabi ko bago pa niya maisipang magpalit.

Ganon na lang din ang sinuot ko at nagdala ako ng Shades dahil medyo mainit sa labas.

Naabutan ko si Zoey at Ayla sa labas na tumatawa kaya naman napangiti ako at agad na nilabas ang Camera ko para kuhaan sila ng Litrato.

Dinaluhan ko na sila para makigulo kaya naman nawala ang ngiti ni Zoey at ngumuso kaya natawa ako dahil alam kong ako ang dahilan non "saya niyo ah?" Tanong ko sa kanila.

"Yea, until you came" ani Zoey kaya natawa kaming dalawa ni Ayla.

Nakita ko si Kyst kaya ganon na lang nanlaki ang mata ko ng makitang topless siya at nakashades din. Iniwas ko na lang ang tingin ko dahil baka makita pa niya akong nakatingin sa katawan niya.

Zoey's POV

Nakita kong tumayo si Aky bigla na lang natulala sa nakita niya kaya sumulyap din ako sa tinititigan niya. Nakita ko si Kyst na papalapit sa'min kaya napangiti ako sa naging reaksyon ni Aky nang makitang topless si Kyst.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Ayla na nakatingin lang sa tubig kaya niyakap ko siya sa likod at ipinatong ang baba ko sa balikat niya na ikinatigil nito. "Ang ganda no?" Tanong ko sa kaniya kaya naman tumango siya sa'kin.

I GOT A GIRL | GL STORYWhere stories live. Discover now