Chapter 14

346 9 0
                                    

Aky's POV

Nakauwi na kaming lahat mula sa Boracay dahil sa mga nangyari kaya agad na dinala si Ayla sa ospital. Natatakot ako para kay Ayla at Zoey dahil hindi biro ang haharapin nilang problema ngayon, kahit na sino ay hindi nanaising makakita ng ganitong pagmamahalan ngunit alam kong malalagpasan nila 'to, at malalagpasan namin 'to..

Habang nakatungo ako ay bigla na lang pumasok sa isip ko ang sinabi ng doctor sa lumipas na anim na araw.

Flashback

"D-doc.. ano pa bang nangyayari kay A-ayla?.. bakit po ganon na lang siya magdugo?" Lahat kami sa loob ay panay ang iyak habang iniintay ang paggising ni Ayla.

"Wala ba siyang nababanggit sa inyo? Matagal na 'tong sakit niya at hindi ko alam kung bakit wala man lang siyang sinabi sa inyo"

"d-doc? A-ano pong ibig nyong sabihin?"

"May acute myeloid Luekemia ang pasyente, at ayon sa pagkakatuklas ko ay matagal na 'tong sakit niya" ani ng doctor sa'min, "naapektuhan na ang kaniyang mga red blood cells, white blood cells at platelets, at sa pagkakaalam ko ay nagpagamot na siya dati dahil sa nakita kong result ngunit Lumala 'to ng lumala"

"d-doc? M-may paraan pa naman po diba?" Tanong ni Alvin

"gagawin namin ang lahat ngunit hindi kami mangangako dahil nasa stage 4 na siya, well..the main treatment for most types of Acute Leukemia is Chemotherapy, along with a targeted therapy dahil nga nasa stage 4 na"

"D-doc.."

"gagawin namin lahat. Makakaasa kayo... "

End of flashback

Gagaling si Ayla dahil malakas siya at alam kong gagawin ni ayla ang lahat para makasama pa si Zoey ng matagal.

Zoey's POV

Anim araw na ang nakakalipas simula ng malaman naming may sakit si Ayla kaya agad kaming umuwi at agad din siyang dinala sa ospital.

Nasa School ako ngayon at iniintay na mag uwian dahil gusto ko ng bisitahin si Ayla sa ospital dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kaniya.

"Zoey? Dadaan kaba sa ospital?" Tanong sa'kin ni Aky habang nagsusulat kaya naman tumango ako sa kaniya.

"Oo naman! Haha! Baka mamiss ako ni Ayla e.." natatawang aniko. Nakita ko naman siyang mapait na ngumiti kaya unti unting nawala ang ngiti sa mga labi ko, "Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga naman siya at itinigil muna ang pagsusulat bago humarap sa'kin, "proud ako sayo..sainyo, dahil nakakaya mo kahit nahihirapan ka na"

"hindi ako nahihirapan noh! Haha! Si ayla pa ba? Ang lakas kaya sa'kin nun!" Nakingiting aniko sa kaniya ngunit di man lang siya ngumiti."siya nga pala! Doon na tayo gumawa ng project ha? Para naman makita ni Ayla yung mga dapat niyang gawin pag gumaling na siya haha!,and! Oo nga pala ibibili ko pa pala siya nung comforter para na din-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil muli siyang nagsalita.

"Alam kong nahihirapan kana.."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Aky dahil sa pagkakataong 'to ay gusto ko talaga ng may masasandalan at gustong gusto ko ng may mayayakap.

I GOT A GIRL | GL STORYWhere stories live. Discover now