Chapter 10

405 9 0
                                    


Kyst's POV

Narinig kona ang hilik ni Zoey kaya naman natawa ako. Sobrang napagod ata siya sa ginawa niya kanina kaya naman nagulat ako ng bigla nalang siyang pumunta sa Van na namumula na ang mga mata. Umiyak siya...

Alam kong umiyak siya dahil kanina pa ako nagmamasid sa kanilang dalawa ni Ayla. Parang may sinabi kasi si Zoey na hindi ikinatuwa ni Ayla kaya naman nawala ng ngiti niya.

Ilang oras akong nasa ganoong sitwasyon ng biglang bumukas ang pinto na iniluwa sila Alvin at Ayla na mukhang tawang tawa pa.

Nawala ang ngiti sa labi ni Ayla nang makita niya ang sitwasyon namin ni Zoey kaya naman nag iwas na siya ng tingin. "E-excuse us" aniya nang makitang nakaharang ako sa uupuan nila kaya naman iniwas ko ang binti ko.

Magkatabi si Zoey at Ayla at nasa magkabilang dulo naman kami ni Alvin. Habang nag iintay sa iba pa naming kasamahan ay napag pasyahan kong kunin muna ang phone ko at kuhaan ng litrato si Zoey na nakahilig lang sa balikat ko.

"E-ehem" nakuha ni Ayla ang atensyon kong hindi man lang akong tinatapunan ng tingin kaya naman binalik kona lang ang atensyon ko sa ginagawa ko. "Tsk" aniya ngunit di ko na lang siya pinansin.

Dumating na agad sila Aky at savy kasunod nila sila Arianne at venry, kately at precious. Mukhang ang saya saya nila nang makapasok sila sa loob.

Sinulyapan ko si Zoey na mahimbing pa din ang tulog kaya naman napatingin ako kay aky na nakatingin sa aming dalawa. "B-bakit?" Tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot at nginitian na Lang ako at nag iwas ng tingin.

Anong nangyare sa kaniya?..

"Nagugutom ako.."

Napatingin kaming lahat kay Arianne na bigla na Lang nagsalita. "Daan muna tayo sa malapit na restaurant dito baka gutom na si Zoey" aniko kaya naman binigyan nila ako ng nanunuksong tingin.

Ibinaba kona lang ang tingin ko sa balikat ko nang maramdaman kong gumalaw si Zoey kaya naman umayos ako ng upo. Kinusot kusot niya ang mata niya at inilibot ang tingin sa amin.

Mukhang inaantok pa siya kaya naman nagulat ako ng inihinto niya ang paningin kay Ayla na nakatingin lang sa kaniya. Inihilig ni Zoey ang ulo niya kay Ayla at pilit na isinisiksik ang katawan niya katawan ni ayla.

Nag iwas na lang ako ng tingin dahil alam kong masasaktan ako sa makikita ko. Tumingin na lang ako sa labas at napangiti ako nang makitang maganda ang view nito.

Habang sinisilip ko ang labas ay nakuha ni Aky ang atensyon ko kaya naman napatingin ako sa kaniya. Nag iwas agad siya ng tingin sakin kaya naman ako na lang ang tumitig sa kaniya.

Sumulyap na naman siya sakin kaya nagulat siya ng makitang nakatingin ako sa kaniya kaya naman nginitian niya ako. Pilit na ngiti..

Aky's POV

'ano kayang itsura ko ngayon! Hala baka haggard ako!!'

Pilit na ngiti lang ang ibinigay ko kay Kyst na nakatingin lang sa'kin. Iniwas ko na lang ulit ang tingin ko sa kaniya para hindi siya makalahata.

Ilang oras pa akong nakatungo lang at kunwareng may kinukutkot sa phone nang biglang tumigil ang sasakyan kaya naman bumaba na kami.

Sumulyap lang ako kay Ayla na mukhang ineenjoy pa ata ang posisyon nila ni Zoey kaya naman.. "hoy! Baba na!" Tawag ko sa kanila kaya naman tumango na lang si ayla.

Sinilip ko si Zoey na ang himbing padin ng tulog kahit ilang ingay na ang nadaanan namin. Tulog mantika talaga..

"Sumunod kayo ah!" Aniko at nakangiting tumango naman si Ayla bago sumulyap kay Zoey.

I GOT A GIRL | GL STORYOnde histórias criam vida. Descubra agora