Chapter 7

422 10 0
                                    

Aky's POV

"Zoey!!" Tawag ko sakaniya.

"TANG INA MO BIEN!" Sigaw ni Kyst pero Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin.

Halos manghina ako nang nakita ko si Zoey na walang Malay at kapit ni Ayla.
Anong nangyare? Bakit nawalan siya ng Malay?

Lumapit ka agad ako kila Ayla na halos mamutla na sa nangyare kay Zoey. Kita ko ang matinding pag aalala ni Ayla dahil namuo na ang luha sa mga mata niya.

"A-ayla? Anong nangyare kay Zoey?" Tanong ko sakaniya ngunit tumulo Lang ang luha niya at kita ko ang panginginig niya.

Lumapit agad samin si Alvin at Kyst, binuhat ni Kyst si Zoey na halos bakat padin ang palad ng nanampal sakaniya. Patay ako kay tita Zandra nito e!

"Aky! Anong nangyare?!" Tanong nila Venry. Agad kasi nilang nabalitaan ang nangyare kay Zoey Kaya Dali Dali silang dumating.

"S-si Zoey..nawalan n-ng m-malay..sinampal S-siya ni B-bien" si Ayla na ang sumagot samin Kaya naman napunta ang atensyon nila sa likod ko kung nasaan si Ayla.

"Ano?!" Tanong nila.

"S-si bien sinampal si z-zoey." Sagot ulit ni Ayla.

"WHAT?!" Tanong ulit nila!!

"SI BIEN SINAMPAL SI-" Hindi na pinatapos ni Arianne si Ayla dahil nagtanong ulit siya.

"Asan na si Zoey?" Tanong ni Arianne Kay Ayla.

"dinala na siya sa clinic nila kyst" Ani Ayla Kaya naman nakahinga sila ng maluwag.

Nagkatinginan naman silang lahat dahil inaabangan pa nila kung may isusunod pang sagot si Ayla pero wala. Kaya naman..

"Anong nangyare ba?" Tanong ni Precious.

"N-naglalakad Lang kami papuntang Cafeteria. Nakasalubong namin sila Shanell hanggang sa Hindi na ata nagustuhan ni Zoey yung sinasabi ni Shanell Kaya pinadugo niya Yung ilong.."
Ani Ayla at nakatungo.

"p-pinadugo y-yung ilong? Pano?" Tanong ni Kately. Kaya naman nasapo nalang namin ang noo naming lahat at inirapan siya.

"Itinawag niyo na ba to Kay tita Zandra or Kay Tito Cholo Lang man?" Tanong ni Arianne sakin Kaya naman umiling ako.

Kinuha ko agad ang Phone ko sa bulsa ko at ni-dial ang number nila tita. Nakailang ring na pero Hindi padin niya sinasagot Kaya naman umulit ako.

"Zandra's here. Who's this?" Tanong ni tita sa kanilang linya.

"T-tita si Zoey po-"

"W-What happened?!"

Inilayo ko ng konti ang phone ko sa tenga ko dahil ang lakas ng boses sa kabilang linya.

"Nawalan po kasi siya ng Malay nung may sumampal sakaniya."

"WHAT THE HELL?! SINONG SUMAMPAL SA ANAK KO?! " .

"tita...mas maganda po kung dito nalang po natin pag usapan-"

" I'll be there in 15 minutes" at binaba na ang phone

I GOT A GIRL | GL STORYWhere stories live. Discover now