Chapter 5: Slam Drunk

23 8 34
                                    

💲Chapter 5: Slam Drunk💲

"Alam mo bakit ka namin iiwan? Wala ka kasing kwenta!" sigaw ng isang babae.

"Wala kang ibang idinulot sa pamilya ko kundi kahihiyan!" sabi ng isang lalake.

Parehong malabo ang itsura ng dalawang pigura na nasa harapan ni Maui. Ramdam ni Maui na tumutulo ang luha niya habang nakikinig sa mga sinasabi nito.

Gusto man niyang sumigaw at magsalita ngunit hindi niya magawa.

"M-mama, Papa. Huwag po.." nanigas si Maui ng makarinig siya ng isang munting tinig sa likuran niya. Nilingon niya ito. It's the little version of her at kagaya niya, umiiyak din.

Nanatiling nakatayo si Maui sa harapan ng bata. Inakay siya nito ng ama niya at dinala sa isang dingding. Nakita niya itong kumuha ng sinturon.

May tumulo na namang luha sa mata niya. Why?

Umiyak ang batang babae. "Huwag po....Papa masakit po 'yan!"

Napatakip bibig si Maui. 'Hindi....'

Itinaas sa ere ng ama niya ang kamay na may hawak na sinturon at malakas na hinampas 'yon sa bata.

"Ahhhh!" sigaw ng batang babae.

"AHHHHH!" sigaw ni Maui at napaupo. "Hindi...hindi...papa!" pumikit ng mariin si Maui at dahan-dahang tumulo ang mga luha niya.

Bumaba ang tingin niya sa bandang kiliran niya. Isa itong peklat galing sa isang sinturon.

May tumulo na namang luha sa kanyang mata. "Masakit..."

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon si Caylus. Naguguluhang tumingin sa kanya dahil nakita siya nitong umiiyak.

"Masakit..." patuloy na saad ni Maui.

Nilapitan siya ni Caylus at hinawakan sa magkabilang balikat. "Maui? Hey...why are you crying?"

Tumingin si Maui sa kanya. "Masakit, Caylus." may tumulo ulit na luha galing sa mga mata nito.

Kaagad siyang niyakap ni Caylus. Saying it's gonna be okay. "It's just a nightmare, Maui. Walang mananakit sayo dito. Hindi ka namin sasaktan."

Sumubsob siya sa dibdib ng binata at umiyak. "Sinaktan nila ako, C-caylus. Si Papa....sinaktan niya ako." humagulhol ulit ito. Having that dream again makes her to scream in fear. She's afraid of her father.

Napatulala lang si Caylus. He never thought seeing a girl cry in front of him. Hinigpitan nalang ni Caylus ang yakap sa babae. "Breath, Maui. Please, huminahon ka."

Dumaan pa ang ilang minuto bago tumahimik si Maui at humiwalay sa yakap ng lalake. Nakatingin lang si Caylus sa mukha ng babae. Wala na naman itong emosyon.

"Are you okay now?" tanong niya rito.

Tumango lang si Maui na walang kabuhay-buhay. "S-salamat."

Napalunok si Caylus at mahinang inabot ang ulo ni Maui at hinaplos.

"Was your dream scary?"

Just My TypeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora