Chapter 9: Journey

14 6 21
                                    


Napasinghap si Maui ng narinig niyang sasakay ulit sila ng eroplano. Kasalukuyan muna silang nagstay sa isang hotel dahil bukas ng maaga pa ang flight papunta Chiang mai.

“Anong sasakay na naman tayo ng eroplano, Sandra?” bigkas ni Maui at umikot-ikot sa kama nila. Ayaw na niyang sumakay ulit ng eroplano dahil kung ulit-ulitin ay panghabang buhay ng lulutang ang isip niya.

“Ano ka ba? Yun ang sabi ni Liver lover saakin!” sagot ni Sandra habang tinutuyo ang buhok gamit ang towalya na libre ng hotel.

Namutla si Maui at binalutan ang sarili ng kumot. “Talaga?” tinanguan siya ni Sandra. “Tatanggalin ko na ang bituka ko, San. Hindi ko na kayang sumuka ng paulit-ulit."  Natandaan niya kanina ang nangyari paglabas nila sa eroplano

Earlier….

Pagkakalabas ni Maui sa eroplano ay tinakbo niya kaagad ang comfort room dahil bumaliktad ang pakiramdam niya.

“Shutaaaa.” Umungol si Maui at napasuka ulit. “Bwaaakk!”
.
.
.
Hinang-hina si Maui at parang tinakasan ng sariling dugo sa katawan sa sobrang putla pagkalabas ng banyo.

“Sandra.” kumapit siya kay Sandra at inalalayan naman siya nito.

“Maui, kayanin mo! Minsan lang tayong makatapak sa ibang lugar manghihina ka?!” asik ni Sandra sa kanya pero alam niyang sinasabihan siya nito para palakasin ang loob niya.

Napahawak sa ibabang leeg si Maui at ramdam niyang maduduwal ulit siya. Tatakbo sana ulit siya patungo sa banyo ng naglahad ng plastic cellophane si Caylus sa harapan niya.

Hindi na siya ngumiti at tinanggap ito tsaka tumalikod sa kanila at dumuwal. “Bwaa….bwaak!” at naglabasan na ang hindi kaaya-ayang tignan galing sa bibig ni Maui.

Nakatingin lang si Caylus sa likuran ni Maui habang hinahagod ni Sandra. Tumabi sa kanya si Xiane na may ngisi sa labi. “Binuntis mo agad, Ayl? Nagkatabi lang kayo binuntis kaagad?”

Sinamaan siya ng tingin ni Caylus. “Huwag mo ng problemahin ang buhay ng ibang tao. Problemahim mo ‘yang sayo. Wala pala munang Thea na mag-aalaga sayo.” Now, it’s time for Caylus to grin from ear to ear. Umingos lang si Xiane at tumabi kay Inang Werla. Nagsusumbong na parang bata.

Napailing nalang siya at hinarap si Maui na nagpupunas ng tissue. Nilapitan niya ito at kinuha ang bag. “Ako muna ang magdadala nito.”

Tumango si Maui at ngumiti. “Salamat, Caylus.” Pagod na sumandal si Maui sa balikat ni Caylus at pumikit.

“M-maui? Maui!” nataranta si Caylus at niyakap si Maui. Panay naman nilang gising kay Maui na nakapikit na ang nakakapit kay Caylus. Little did they know….Maui is deep sleeping soundly that afternoon.

💲💲💲💲💲💲💲💲💲💲💲💲💲

Napasubsob si Maui sa unan habang inaalala ang nangyari pagkatapos niyang makatulog. Itinaas niya ang tingin  kay Sandra. “Sinong kumarga saakin kung ganun?”

“Si Inang Werla.” Diretsong sagot ni Sandra. “Siya lang ang walang dala na bagahe kaya siya nalang ang nagkarga sayo.”

“Ha?! Anong si Inang Werla? Matanda na si Inang Werla, Sandra. Ikaw nalang sana!”

“Anong ako? Haha. Joke lang! Hindi ka yaka ni Inang Werla no! Kay bilis mong kumain, hindi ka kaya ni Inang Werla.” tumawa si Sandra.

Nawala ang emosyon sa mukha ni Maui at napahinga ng maluwag. Kumagat pala siya sa biro ni Sandra.

Just My TypeWhere stories live. Discover now