Chapter 8: A Bird! A Plane!

15 5 14
                                    

💲Chapter 8: A Bird! A plane!💲

Dumaan na ang isang lingo at handa na silang lahat. Pinayagan si Maui na kumuha ng tatlong araw na bakasyon. Si Sandra naman ay nakausap na ang pinsan niyang si Rey na ito muna ang magbabantay ng Candy shop niya. Si Thea at Xiane naman ay wala namang problema dahil sa may kasunduan na sila. Nakalabas na din si Inang Werla sa hospital.

“Maui..pakihawak nga muna ng sling bag ko. Ang bigat na kasi.” Sabi ni Sandra at kaagad na nilahad ang sling bag. Walang magawa si Maui kaya tinanggap nalang niya ito.

Dala lang ni Maui ay isang backpack kung saan napapaloob lang ang gamit niya at iba pang napakaimportante lang sa kaniya. Si Sandra naman ay may dalang dalawang backpack.

Tinignan niya ito ng kunot-noo. “Sandra, hindi lilipad ang eroplano sa dami at sa bigat ng dala mo.”

Paalis na sila galling sa apartment ni Maui papuntang airport at natagalan sila dahil sa page-empake ni Sandra.

“Ano?” nilingon siya nito habang pilit pinapasok ang pagkain na chichirya sa bag niya.

Umiling si Maui. “Ano ba kasi loob ng bag mo?”

“Basta! Ito nalang kasing chichirya. Kainis, ba’t hindi kasya?”

Hinawalan nalang ni Maui ang braso ni Sandra dahil abala pa ito sa pagkuri-kuri ng gamit niya. “Magtaxi nalang tayo, mukhang malalate tayo  sa flight kung magdi-dyep tayo..” sabi niya.

Nagpatuloy lang si Maui sa paghila kay Sandra at napatigil  ng may nakita siyang kotse na pamilyar. Napahinto din si Sandra at tinaas ang paningin. Lumabas si Caylus galing sa back seat na naka shades at binalabandara talaga  nito ang kagwapuhan niya
“Shems! Sinundo tayo ni Sir Caylus!” sabi ni Sandra at kaagad na tumakbo patungo doon.

Akala ko ba nabibigatan ang isang iyon?

Tumakbo na din siya patungo sa parke kung saan nakahinto ang sasakyan  ni Caylus.

“Good morning, Sir Caylus.” Bati ni Sandra habang hinihingal.

Bumati din si Maui dito. “Good morning, Caylus.” Ngumiti siya ng maliit at huminga ng malalim. Sinamaan niya ng tingin si Sandra na nagpeace sign lang sa kaniya.

Ngumiti si Caylus at hinawi ang hibla ng buhok ni Maui na nakatabon sa mukha nito. “Good morning, Maui.”

Namula si Maui sa ginawa ng binata at napatitig nalang kay Caylus. Sa isang gilid naman ay nakangisi lang si Sandra sa dalawa. “Sir Caylus, saan ilalagay ang bagahe ko?” kumaway kaway siya para mapansin pero napatigil siya ng may umakbay sa kanya. Nilingon niya ito at naramdaman nalang niyang uminit ang mukha niya sa gwapong kaharap niya.

“Give it to me…I’ll help you.” nakangising saad ni Oliver.

“U-uh, sige.” Binigay ni Sandra ang bag na hawak niya.

Napatawa si Oliver ng tinanggap niya kay Sandra ang bag. “Ohow, you have a heavy thing here.”

Nilahad ni Caylus ang kamay at tinuro ang bag na dala ni Maui. “I’ll help you with that.”

Umiling naman si Maui. “Okay lang. I can do it myself.” Naglakad siya patungo kay Sandra na tinutulungang ipasok ang bagahe sa likod ng sasakyan.
.
.
.
“Sandra…ano ba kasi ang loob ng bag mo?” nagtitimping saad ni Maui habang pinapasok ang bag sa passenger seat. Nakaupo na si Maui habang nakatingin kay Sandra na papasok palang sa sasakyan.

“Maui, of course..clothes. Ano ka ba—“ napatigil ito sa pagsasalita at sa pagpasok ng hinawakan siya ni Oliver sa baywang gamit ang isang braso nito. “Yes?”

Just My TypeWhere stories live. Discover now