Chapter 7: Truce

13 4 23
                                    

    💲Chapter 7: Truce💲

Maui smiles ng nakita niya ang kasiyahan sa mata ni Inang Werla. Habang nagke-kwento kasi ito ay ramdam ni Maui na puno ito ng pagmamahal at pangungulila sa pamilya.

"Miss niyo na po siguro ang pamilya niyo, Inang Werla, no?" nakangiting sambit ni Maui.

Tumango si Inang Werla at yumakap ng unan. "Oo naman."

"Ba't naman po hindi nalang kayo manatili sa Thailand?" tanong ni Sandra.

Umiling si Inang Werla at binalingan si Caylus. "May trabaho pa kasi ako dito sa Pilipinas."

Umiwas ng tingin si Caylus. Sumingit naman si Thea. "Inang, sinabihan ko na kayo diba? Matanda at kumakayod na si Caylus sa sarili niya, hindi na siya yung uhugin na Ayl na ikaw pa ang magliligpit ng dumi niya."

Tumawa si Inang Werla. "Alam ko naman. Pero alam kong may isa pa talaga akong misyon na dapat kong gawin atsaka bantayan para maging maayos ang takbo ng kwento."

Taka naman silang napatitig dito. "Anong misyon po ang tinutukoy mo, Inang Werla?" tanong ni Caylus. "Bakit hindi ko po alam iyan? Sino po ang nagsabi sayo?"

"Basta! Saakin na 'yon." at bumaling kay Maui.

Napatingin naman si Maui sa paligid, nalula kaagad siya dahil binalingan siya ng ginang e nananahimik lang naman siya sa gilid. "Bakit ho?"

Ngumiti ang matanda. "Wala lang."

"Ay Inang Werla!" sigaw ni Thea na napabigla sa kanilang lahat.

Dinama kaagad ni Inang Werla ang dibdib. "Jusmemareyusep."

Nagpeace sign si Thea at siniko ang walang kamalay-malay na si Xiane. "Sorry po. Si Xiane kasi. Hehe."

Nalukot kaagad ang mukha ni Xiane dahil pinagbibintangan na naman siya. "Oh ako na naman--"

"Tahimik!" malditang saad nito kaya napatakom kaagad si Xiane ng bibig.

"Inang Werla, may mga apo na po kayo? Hindi niyo pa po kasi nasabi saamin." ngayon naman ay malambing na Thea ang nagsasalita.

'Sinapian na naman ba ito?' sa isip ni Xiane na kaagad nanindig ang balahibo niya. Lumayo nalang siya dito at tumabi kay Oliver.

Kaagad na tumango si Inang Werla. "Naku~ May mga apo akong kay laki ninyo. Ang gagwapo din." bumingisngis si Inang Werla sa tatlong babae.

Tumalima kaagad si Thea. "Mga pakboy po ba sila?"

Sumunod naman si Sandra sa pagtanong. "Nananakit po ba sila ng mga babae?"

Umiling ng mahina si Inang Werla at napangisi. "Mababait ang mga apo ko. Kung makikilala niyo sila ng masinsinan ay talagang maaakit kayo."

Bumungisngis ang dalawa at kiniskis nila ang sariling palad. "Nice." sabay nilang saad.

Sumingit kaagad si Xiane. "Hey...Thea. You are not going to talk to strangers!"

Bumalik kaagad ang pagkamasungit ni Thea at sinamaan ng tingin si Xiane. "Wala kampake."

Umigting kaagad ang panga ni Xiane at tinignan ng masama si Thea. "Inang Werla, hindi po ako sasama."

Just My TypeOnde histórias criam vida. Descubra agora