Chapter 6: Seconds

22 4 24
                                    

💲Chapter 6: Seconds💲

Habang nag-aayos si Maui ay iniisip niya ang sasabihin niya kay Chester. Napakagat labi siya ng wala siyang maisipang sasabihin para lang hindi matanggal sa trabaho kahit tanggal na talaga siya. Naniniwala padin siya sa second chance.

Nagsuot lang siya ng pormal na kasuotan niya kapag umaga. Pantalon at isang t-shirt na kulay puti na may print na 'Seconds'. Para tagos puso talaga ang paghingi niya ng second chance.
.
.
.
Nandito na siya sa harap ng club nila. Huminga muna siya ng malalim at dire-diretsong pumasok sa club. Kumatok muna siya sa pintuan ng office ni Chester. Ng narinig niyang nagsabi ito ng pasok ay pumasok kaagad siya.

Tumikhim muna siya at pinagsikop ang dalawang kamay. "Sir Chester." pinilit niyang buohin ang boses niya dahil parang pipiyok ito kapag hindi siya tumikhim.

"Sit here." tinuro nito ang upuan na nasa harapan niya.

Sinunod niya ang sinabi ng binata. "Sir, paumanhin po sa nangyari kagabi." mahinang sabi ni Maui at pinagsadahan niya ng tingin si Chester. He is wearing a blue v-neck  t-shirt at kitang-kita ang collarbone nito. Alam niyang dapat nagsusuot na ng suit si Chester ngayon pero dahil sa nangyari kagabi ay sinisisi niya ang sarili bakit hindi ito nakasuit ngayon.

Sumandal si Chester sa upuan at pinagkrus ang mga braso. "Are you sorry?"

Tumango-tango si Maui. "I'm very sorry. Hindi man kita mabilhan ng bagong suit ay sinisigurado ko na magtatrabaho ako ng bonggang-bongga dito sa club ninyo. Kung pwede nga maglilinis ako habang nagse-serve, Sir Chester."

Nanatiling nakablankong ekspresyon si Chester pero sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang ngumiti dahil sa pagiging cute ni Maui. Paano ko ba to mapapaalis sa club ko kung ganito siya?

"Fine. You're hired again." nakangiting sabi ni Chester.

Napatayo kaagad si Maui at masayang yumuko ng paulit-ulit sa harapan ni Chester. "Salamat sa second chance, Sir!" sabi ni Maui at yumuko ulit at lumabas na sa office ni Chester.

"Omygad, nakuha ko nga ang second chance!" masiglang sabi ni Maui at lumabas na sa club. At napaisipan niyang puntahan si Sandra sa Candy Shop nito para sabihin ang magandang balita.

💲💲💲💲💲💲💲💲💲💲💲

"Hah?! Tinanggal ka tapos tinanggap ka ulit?" naguguluhang tanong ni Sandra habang kumakagat ng watermelon gummy.

Ngumiti si Maui at pinakita ang suot na t-shirt niya na may printang 'Seconds'. "I know, right?"

Hinampas siya ni Sandra na napakamalakas. "Tsamba ka lang sa boss mo, beh!"

Napatikhim si Maui at inirapan si Sandra. "Akala ko magiging masaya ka dahil natanggal man ako ay natanggap ulit."

Sandra smirked at her. "Masaya kaya ako pero may kaunting lungkot. Kung natanggal ka sana ay tayo ng dalawa ang magtatrabaho dito sa Wonderland ko. Diba ameyzing?" pinataas baba niya ang dalawang kilay niya.

Tumawa si Maui. "Payag ka bang dito nalang ako magtatrabaho? Sigurado ka ba?"

Umiling kaagad si Sandra. "Bakit ka naman magtatrabaho dito, tinanggap ka na ulit sa trabaho mo diba. Huwag ka ng pumunta dito." Nakarinig sila na tumunog ang bell ng pintuan.

Just My TypeWhere stories live. Discover now