Chapter 4: Guest Room

17 7 12
                                    

💲Chapter 4: Guest Room💲

Napamulat si Oliver galing sa pagkakatulog ng narinig niyang bumukas ang pintuan. He's always alarmed when it's about his surroundings. Hindi siya gumalaw.

"Oliver..." malungkot na boses iyon ni Inang Werla kaya kaagad siyang napaupo.

"Inang Werla? Bakit po?" nilapitan niya ang ginang at pinaupo sa kama niya. Madilim ang kwarto niya kaya kaagad niyang in-on ang ang ilaw. Nanigas siya ng makitang luhaan ang ginang.

"S-si Ayl.."

Nangunot ang noo niya. Sir Caylus? "Nandito na po siya? Umuwi na naman bang duguan?"

Umiling si Inang Werla at yumakap kay Oliver. "Nami-miss ko na si Ayl at si Chestot, Oliver. Hindi padin nagkakabati ang mga kuya mo."

Napalabi si Oliver at niyakap pabalik si Inang Werla.

Isa din siya sa nakawitness kung bakit nagkaroon ng gulo si Caylus at Chester. At kitang-kita niya kung gaano nasaktan ang amo niya sa panahong mga 'yon.

"Ginawa mo na naman bang topic ang tungkol sa kanila, Inang?"

Tumango si Inang Werla at humiwalay sa yakap. "Mayroon kasi siyang bisita sa baba. Isang napakamagandang babae tapos natanong niya kung bakit kilala ni Ayl si Chester."

Napatayo kaagad si Oliver. "Inang, pwede bang dito na muna kayo? Dito nalang po kayo matulog. Kakausapin ko lang si Sir Caylus."

Tumango si Werla at humiga. "Kapagod umiyak, oh atay."

Ngumiti si Oliver. "Matulog na po kayo."

Pumikit na si Inang Werla at kaagad na lumabas si Oliver.

Sa tingin ni Oliver, nagustuhan ni Inang Werla ang babaeng bisita ni Caylus ngayon kaya natopic ni Inang Werla ang tungkol sa boss niya at sa matalik na kaibigan nito. Si Caylus at Chester ay parang nagtayong Kuya na din niya dahil kapag may umaaway sa kaniya noon, sumasaklolo kaagad ang dalawa.

Pagkababa niya ay napatigil siya sa nakikita. Magkayakap ang dalawa at ang babae naman ay hinahaplos ang buhok ni Caylus.

Tumikhim siya. "Ano 'tong nakikita ko, Sir Caylus?"

Kaagad na tinulak nila ang isa't-isa palayo galing sa pagkakayakap. Caylus dry up his tears.

"Sir Caylus, si Inang Werla po kanina ay umiiyak na pumasok sa kwarto ko."

Huminga ng malalim si Caylus. "I know, Oliver. I just don't want to talk about it. She crossed the line."

Napailing nalang si Oliver sa inaasta ng amo niya at nilingon ang babaeng katabi nito. "Good morning." bati niya sa babae.

Ngumiti ang babae. "Good morning."

"Sir Caylus? Sino po siya?" tanong ni Oliver sabay turo kay Maui.

Tinuro ni Caylus si Maui at ngumisi. "Siya? She's just my new bodyguard."

Maui and Oliver have the same reaction. "Ano?!"

Ngumisi si Caylus at bahagyang napatawa. Napatulala ng isang segundo si Oliver at kaagad na sinamaan ng tingin si Caylus.

"Nice joke." umupo si Oliver sa isang stool sa harapan nila Caylus at Maui.

Just My TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon