Chapter 10: Meet And Greet

7 3 0
                                    

"OMAAAAAAY GAAAAAAD!!" paimpit na sigaw ni Maui habang pinipigilan siya ni Sandra na sumigaw ng malakas.

Nasa labas palang sila ng tren ay ganito na kaagad ang reaction niya sa nakikita.

Nilingon ni Maui si Sandra. "Omaygad, Sandra. Wala akong maintindihan." at muling nilingon ang mga signs na nakakublit sa mga poste.

Bumulong si Sandra. "Ohayo daw 'yong hello nila dito."

Naniwala naman si Maui dahil walang kaalam-alam sa mga lengguwahe ng Thailand.

"Ohayo." nakangiting bati ni Maui sa isang binatang dumaan sa kanilang harapan. Nilingon sila ng binata na parang hindi makapaniwala sa narinig nito. Tumakbo ito papalayo habang nagsusumigaw ng mga salitang hindi nila maintindihan.

Kunot noong nagkatitigan sina Maui at Sandra at bahagyang napatawa. "Ano daw?" natatawang saad ni Sandra.

"Ewan ko. Parang natakot natin, San." wala sa sariling saad ni Maui. May dumaan ulit na tao sa kiliran niya kaya aamba na sana silang babati ng inunahan sila ni Caylus at Oliver sa kiliran nila.

"Wai." pinagdampi ang mga palad at sabay na yumuko.

Ngumit ang isang matandang babae. Huminto siya at ginaya ang ginawa nina Caylus. "Wai." at umalis na.

Manghang napatingin si Maui kay Caylus na nasa kiliran niya at mangha ding nilingon ni Sandra si Oliver sa kiliran niya. "Woah." sabay nilang sambit sa isa't-isa.

Masamang tingin ang ginawad ni Oliver kay Sandra na para bang hindi makapaniwala. "Who told you that hello in Thailand is ohayo?"

Pahapyaw na tumawa si Sandra at hinampas ng mahina ang braso ni Oliver. "Hehe. Si Rey nagsabi saakin na ganun daw ang hello dito."

"You're unbelievable..." at naglakad na palayo si Oliver papunta kina Inang Werla. Sumunod si Sandra at humawak sa braso ni Oliver.

Susunod na din sana si Maui ng naramdaman niyang hinila ni Caylus ang likuran ng damit niya.
"Uy, masisira damit ko sayo, Caylus."

"Anong sinabi mo sa lalaki?" seryosong saad ni Caylus.

"Uhh...Ohayo?"

"O...ohayo? really, Maui? That is Japanese language!"

Ngumuso si Maui at nagsimula ng lumakad. Sumunod sa kanya si Caylus. "Ano naman?"

"It's Wai. When you want to greet someone, you say Wai. It's hello in Thailand."

Ngumiti ng matamis si Maui at tumango. "Okay..."

Bumaling lang si Caylus sa ibang direksyon para hindi mahalata ni Maui na nagagandahan siya dito kapag ngumingiti.

Hinarap ni Inang Werla silang lahat at tinaasan sila ng kilay. "Ayos lang ba kayong lahat?"

Bumaling silang lahat kay Thea na nakabusangot dahil hawak-hawak siya ni Xiane sa bewang na walang planong pakawalan ito.

"Inang, si Xiane! Ayaw akong bitawan!" mangiyak ngiyak na sambit ni Thea at nagpapadyak ng paa.

Bumaling si Inang Werla kay Xiane at tinignan ito ng makahulugan. Bumusangot din ang mukha ni Xiane dahil alam niya ang ibig sabihin ni Inang Werla.

"She'll go after boys if i let her escape!" inis na mahinang sabi nito.

Itinaas ni Thea ang tingin kay Xiane habang minumura sa isipan. 'Takneng baboy ka Xiane! Isa kang kahihiyan sa buhay ko dahil isa kang baklang kambing!'

Ibinaba ni Xiane ang tingin kay Thea. "What?"

"Ang. Sabi. Ko. Bitawan. Mo. Ako!" diin na saad ni Thea at kinurot ang nipples ni Xiane at kaagad kumalas sa hawak nito at pumunta sa likod ni Maui.

Just My TypeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant