Chapter 3: Homey

18 6 25
                                    

💲Chapter 3: Homey💲

"Come again, Maui?" takang tanong ni Caylus kay Maui.

Maui awkwardly smiles at Caylus. "Pwede ba akong mag-apply bilang bodyguard mo?"

Ngumisi si Caylus. "Why?"

"Anong why? Marunong naman akong magkarate, manampal o di kaya'y sumipa ng talong ng lalake--" pinutol kaagad siya ni Caylus.

"Why do you want to be my bodyguard?"

"Ano....a-ano..."

Caylus crossed his arms. "Ano?"

"Chester fired me."

Nanlilisik sa galit si Caylus. "That jerk."

Tumitig sa kanya si Maui. "Ano?"

Huminga ng malalim si Caylus at humarap na siya sa daan at pinaandar na ang sasakyan. "Clarify things first, Maui. But before that le'me drive you home."

Tinuro ni Maui ang direksyon ng likuran niya. "Doong direksyon ang bahay ko--"

Nilingon siya ni Caylus at ningisihan. "Bahay KO."

Nanlaki ang mata ni Maui na parang luluwa na at pilit lumabas. "Kalabaw, ilabas mo ako dito! Ihinto mo ang sasakyan please!"

Pagkasabi palang ni Caylus sa kanya na sa bahay NIYA ito dadalhin ay kinilabutan ang buong katawan ni Maui.

Tumatawang umiiling-iling ang lalake habang nakatingin padin sa harapan.

"Like it or not, Maui. You're going to my house."

Napaface palm si Maui at tumingin ng masama kay Caylus.

'Sana....sana hinayaan ko nalang siyang patayin ni Sir Chester kanina at mabugbog hanggang sa masira ang mukha niya, hindi na sana ako nakasakay dito.'

💲💲💲💲💲💲💲💲💲💲💲💲💲

When they arrived, kitang-kita kaagad ni Maui ang isang magandang mansiyon. Namangha siya dahil kahit na madaling araw parin ay naka-on padin ang ilaw ng labas. 'Kaya ko ngang matulog ng patay lahat ilaw, sama mo pa ang electric fan.' sabi niya sa isip.

"Sayang ng kuryente dito, Caylus." wala sa sariling banggit niya habang nakatingin sa mansiyon.

"You don't know me, don't you?" tanong ni Caylus habang nakatitig kay Maui.

Ngumiti ng nakakaloko si Maui. "Bakit? May rason ba para kilalanin kita?"

Napatitig ng ilang saglit si Caylus sa kanya. 'Do i have a reason? Being a billionaire? But she looks like uninterested.' umiling nalang ito. "Baliw." at bumaba sa kotse.

Umikot siya sa kotse para pagbuksan ng pinto si Maui pero huli na ng si Maui mismo ang nagbukas ng pinto niya.

Mariin niyang tinignan si Maui. "Did i just got rejected to open a door by a woman?"

Tinignan siya ni Maui na nagtatanong. "Ha? Ay pagbubuksan mo sana ako? wait papasok ulit ako." pumasok ulit ito.

Ngumiti si Caylus at mahina niyang pinagbuksan ng pintuan si Maui. Lumabas naman ang babae na may ngiti sa labi.

"Ay naku! Salamat sa pagbukas ng pinto, Caylus! Tinatamad kasi ang kamay ko para buksan ito." sabi nito pero may halong sarkastiko.

"You're welcome." nakangiting sabi ni Caylus. 'Kind of my type.' Nagsimula na siyang maglakad patungo sa pinto ng mansiyon niya.

Just My TypeWhere stories live. Discover now