🔥 Kabanata 31🔥

2.2K 62 1
                                    

🔥 Kabanata 31🔥

Devyn:

Hinatid niya ako ngayon patungo sa airport kung sa'n nakalapag ang private exclusive jet na sinakyan ko patungo rito—iniiwasan niyang makasulyap man lang sa'kin habang nasa loob ng sasakyan. Wala siyang planong makipag-usap man lang? Wala siyang sasabihin?

Hanggang sa bumaba ako ng sasakyan nito while Bolton opened the door for me—bitbit na rin nito ang mga luggage ko. Hindi siya bumaba ng sasakyan—my heart torn apart when his car immediately left the airport.

"Unfair beast.. Hindi man lang nagawang magpaalam.." Before tears dropped pinalis ko na kaagad. Hindi ko gustong may maibalita si Bolton sa kaniya—tama na siguro ang kapal ng mukha ko last day. Hindi ko na yun uultin pa.. Hanggang sa pagpasok ko sa private jet ay iba na ang mga bantay ko sa loob—mukhang hindi rin sasama si Bolton.

Ipapasok na rin sana ni Bolton ang mga luggage ko when I thought about something.

"Bolton, I don't need those. And this, return it to your boss." Hindi ako ang nag-impake ng mga gamit—wala naman talaga akong balak na magdala ng mga bagay na pagmamay-ari ni Lorenzo. I handed him this phone that Lorenzo gave me. "I don't need this as well." Sabi ko.

"But miss, these are all yours. These belong to you." Seryosong saad ni Bolton sa'kin.

"You served your master well, Bolton. But can you please give this day to me, at least? Those are not mine—when I came here, I didn't bring anything but myself." Saka ko ibinigay ang phone rito and then turned around. Naging mabuti sa'kin si Bolton—at hindi ko malilimutan ang kabutihan niya bilang tagabantay ni Lorenzo.

***

"So, anak, kumusta ang interview mo?" It had been a week since I arrived and my parents knew where exactly I was—pero ang alam nila ay nagbakasyon ako sa Spain. It even didn't shocked me when someone's been sending private messages to them that I was fine and all.. Even sending photos which I remembered I had not taken myself—it was all him.

I blinked my eyes. I needed to focus now in the reality—what he had shown to me were all just a figment of my senseless imagination—he never existed.

Never.

"It was..good, mama." Inubos ko ang tea na hinanda ni mama for me. Kakarating ko lang sa farm fifteen minutes ago—dumirets kaagad ako sa farm dahil alam kung nandun sila. Papa Hernardo went to the city as what mom told me—kakaalis lang nang dumating ako.

I visited my parents immediately when I arrived few days ago. Kinumusta ko 'agad sila. After that, bumalik ako sa syudad to change my condo—for the second time and for another reason.

"Okay lang ba talaga sa inyo ni papa? I mean, I could back out anytime kung hindi niyo gusto na magtrabaho ako.." Parati nalang silang nakasuporta sa'kin—I doubt kung gusto talaga nila ang mga plano ko sa buhay ko or what. "..coz, actually, it was all more than 'good'—I got a new secretarial job. Natanggap ako today." Pero sa tono ko hindi ako excited when I told mom about this today. Nag-aalala ako sa kanila—sa sarili naming business. Pero they just had to be honest though.

"Hija, alam mong naka-suporta lang kami ng papa mo sa'yo.. Don't worry too much about us—nag-eenjoy kami sa farm. Tsaka, dito kami lumalakas lalo ni Hernado—this is the best exercise, anak! Taking care of these lovely plants and serving good quality to all buyers." Nakangiting saad ni mama and I really felt how genuine her words were. I hugged her tight.. Sobrang na-miss ko siya—sila ni papa.. They'd been the best of friends! Hindi nila ako sinukuan kailan man.

"Believe me, mama—gusto kong e-manage din ang farm natin.." Gustong-gusto..

"But..? Still because of Giovanni and Arya?" Napabuntong-hininga ako sabay tingin sa malayo. Well, hindi naman sa ganun, e. Gusto ko na nga sanang pagbigyan silang makipag-usap sa'kin ng matino—I retrieved my phone back at the condo. Arya's been sending a lot of messages saying how sorry she was and how she blamed herself. Nade-depressed na rin daw siya sa lahat ng mga nagawa niya—conscience was haunting her..

"I texted Arya, mama.." Just today, I took the courage to reply her. "I..told her, I'm fine at sana'y okay na rin sila ni Gio. Honestly, I don't wanna hold grudges to them, ma." Mahina akong tinapik sa kamay ni mama. Nasa mga mata ni mama ngayon na tama lamang ang ginawa ko.

"That's right, anak.. You should learn to forgive and so you'll forget." So, Lorenzo must be forgiven too? Para malimutan ko rin siya? Urg! Di ba nga, hindi naman talaga siya totoong nag-exist, Devyn? Right.

Maya-maya'y nag-ring ang phone ko and it was.. Arya. I held my phone and let my mom checked. She then gestured me to received the call.

"Hi."

"D-Dev..? I-I saw your car, nandyan ka ba sa farm? C-Can I..talk to you?" Arya's voice sounded so distressed. Inside me, naawa ako sa kaniya for bearing so much pain. Sila lang naman ang gumawa ng ikakasakit nila, e.. Not me..

"Yeah. Ako nalang ang pupunta sa bahay niyo." Sabi ko and ended the call.

Nagka-usap kami ni Arya sandali—mupayat siya, actually. Stress and for being pregnant..with Giovanni. Hindi ko na ikinagulat yun—of course, ano pa ang magiging bunga ng lahat?

I just went there to see her and tell her personally na pinatawad ko na siya and she and Gio should nothing to be worried all about dahil natanggap ko na.. I even suggested to seal their bond with holy matrimony—kawawa ang bata kung ganun.

Pero ilang araw na rin daw'ng hindi nagpapakita rito si Gio after knowing that she bore his child.

I felt pity for Arya even more. Pero dapat magpakatatag siya for the sake of her child. Her parents thanked me for the visit—hindi nila ini-expect ang pagdating ko..

Somehow, I felt relieved kahit sandali lang kaming nagkausap ni Arya. Siguro, hindi pa maibabalik ang mga dating araw—but at least, I gave in.. I gave myself a chance to forgive her..at si Gio.

I went back to the city with a sunlit heart. Kelangan ko rin mubalik 'agad kasi magsisimula ako bukas sa bagong trabaho ko.

The real new phase in my life just began!

Good Boys Gone Bad Series 3: His Savage FlameWhere stories live. Discover now