Chapter 30: Bye Jeydon

1.5M 41.4K 10.2K
                                    

DALAWANG BUWAN NA ang lumilipas at kada gabi, palaging pumapasok sa isip ko ang pagbubuntis ko. Sa una, parang hindi ko pa rin ma i-proseso sa utak ko ang lahat pero habang tumatagal ay tumatatak na rin sa isip ko na magiging mommy na ako.

Mahirap magbuntis dahil kada umaga ay masusuka ako at minsan nahihilo ako. May mga oras pa na maselan ako sa pagkain at sa mga amoy sa paligid ko pero kahit na gano'n masaya pa rin ako. Gano'n pa man, hindi din naman ako nahirapan ng sobra dahil palaging nasa tabi ko si Jeydon kada mahihirapan ako. Mahirap, pero iba pa rin talaga 'yong saya na naibibigay sa 'kin ng baby ko.

Ang sarap din sa pakiramdam kada mararamdaman mong simusipa sa tiyan mo ang baby mo. Para na siyang naging kiliti sa 'kin. Kada oras nga napapahawak kami ni Jeydon sa tiyan ko pagkatapos ay kinakausap namin ang baby namin. Ang laki ng pinagbago ng buhay namin ni Jeydon simula no'ng mabuntis ako.

Sabi nga nila a child is a gift from God. Para sa akin, higit pa sa isang magandang regalo ang baby namin ni Jeydon, naging daan din siya para maging maayos ang pakikitungo sa 'kin ng mga in-laws ko. Mismong Christmas Eve namin sinabi ni Jeydon sa buong angkan ng mga Lopez na buntis ako at simula noon ay naging maganda na ang pakitungo sa 'kin ni Tita Janice at ni Dave Lopez. Blessing in disguise nga rin siguro para sa akin ang anak namin ni Jeydon.

"Sigurado ka bang magiging okay ka lang sa mansion namin?" tanong sa akin ni Jeydon habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Mas gusto mo bang mag-stay sa bahay n'yo? Sabihin mo lang at ako na'ng bahala kina Dad."

Umiling ako. "Okay lang ako doon. Isa pa, 'yon ang gusto ng daddy mo. Ngayon pa nga lang kami nagiging okay tapos susuwayin pa natin ang gusto niya?"

"Nakakabilib ka talaga, asawa ko. Ikaw pa ang nag-ri-reach out sa parents ko para maging okay kayo kahit na madami na silang nagawang kasalanan sa 'yo. Ano pa nga ba ang mahihiling ko?" Nagkatinginan kami at dahan-dahan niya akong hinalikan sa labi ko. "I'm going to miss you so much," bulong niya.

"We're going to miss you. Ako at ang baby natin." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ko ulit siya. Aalis na siya bukas kaya konting panahon na lang ang natitira para mahalikan ko siya dahil hindi ko alam kung kailan ulit siya makakabalik dito. Nalulungkot man ako pero hindi ko 'yon pwedeng ipakita kay Jeydon."Bumalik ka agad, ha?" paglalambing ko.

"Oo, babalik ako agad kaya hintayin n'yo ako ng baby natin."I niya ako sa kaniya at niyakap niya ako.

"Mag-ingat ka do'n. Yong vitamins mo 'wag mong kalimutan, 'yong towel mo palagi mong ilagay sa likod mo para hindi ka matuyuan ng pawis, 'wag kang kakain ng taba do'n, 'yong mga bilin ko sa 'yo ha? 'Wag mong pabayaan ang sarili mo do'n," paalala ko sa kaniya.

"Yes, kumander ko. Lahat ng bilin mo nakasulat na po," natatawa niyang sabi. Pinalo ko siya sa braso niya. "'Wag ka na mag-alala sa 'kin dahil aalalayan naman ako do'n ni Shawn at ni Kim. Ikaw ang mag-ingat dito." Hinalikan niya ang noo ko. "'Wag kayong magpuyat ni baby kaya matulog ka na."

"Hindi ako makatulog eh," pagmamaktol ko. Ngumuso pa nga ako na dahilan para matawa siya. "Kantahan mo ako, asawa ko."

"Dalawang baby pala ang inaalagaan ko ngayon," natatawa pa rin niyang sabi. "Sige, pumikit ka na."

Ipinikit ko ang mata ko habang yakap yakap pa rin ako ni Jeydon.

Nagsimula na siyang kumanta..

"Ba't di pa patulan, ang pagsuyong nagkulang.

Tayong umaasang, hilaga't kanluran

kaw ang hantungan at bilang kanlungan m

Ako ang sasagip sa 'yo..

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon