Critique 3

112 5 0
                                    

Critique made by: tothefellaoverthere

Story: Boyfriend ng mommy ko ang ex ko?!

Author: Zellanneee

Author: Zellanneee

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Critic's note:

Hi! First of all, everything that was written here is based on my knowledge as a critic. I do not mean to offend you in any way. And thank you for choosing us! :)

TITLE:

Your title is intriguing yet too long and a bit complicated. Catchy siya kasi mapapaisip ang readers kung bakit o paano naging boyfriend ng mommy niya ang ex niya. Tbh, medyo nakakacringe rin 'yung title since doon pa lang sa title, parang mag-coconclude na kaagad ang readers na bakit ganoon 'yung story? Para sa akin ay ibinigay mo na ang lahat sa title pa lang. Mas maganda pa rin kung magiging catchy siya in a way na interesting dahil may pagka-mysterious ang title.

BOOK COVER:

Maganda ang book cover mo. Ang tanging napansin ko lang ay medyo maliit ang title kahit na marami pa namang space. For me, mas okay kung ma-eemphasize pa lalo ang title para makuha ang interes ng mga reader. The good thing is malinis ang pagkakagawa ng cover at maganda ang background. So, good job!

BLURB/SYNOPSIS:

Your blurb was way too short. Parang kung ano lang 'yung nasa title ay 'yon na rin ang ginawa mong blurb. You can at least give us some more details para naman mas ma-excite ang mga readers na basahin ang story. A blurb should not be too long but not too short.

STORY CONTENT/PLOT:

Maganda ang plot mo, kagaya ng sinabi ko ay intriguing siya though may mga nabasa na akong ganiyang story. Mapapaisip ang mga readers kung bakit at paano naging boyfriend ng mommy niya ang ex niya, 'Sino ang magpaparaya?' at 'Ano ang mas matimbang, pamilya o ang taong mahal mo?' Interesting ang mga mangyayari at plus point 'yon para sa akin. Isipin mo na lang kung paano mo magagawang unique ang istorya mo.

CHARACTERS:

You need to develop your character more. You have to define your character well in order to build an emotional bond with your readers. Kailangan maka-relate kami sa mga characters mo o dapat mas maramdaman namin ang emotions nila. Nandoon ka na, you just have to push a little more.

For example, tell us her struggles when Cairo broke her heart years ago. What happened after all those years na nagkahiwalay sila? How did she grow after that heartbreak?

Tandaan, mas ma-hohook ang mga readers kapag nararamdaman nila at nakaka-relate sila sa pinagdaraanan ng characters. Mas maeengayo silang basahin at alamin kung ano pa ang mangyayari sa kuwento mo.

SETTING:

Mas ayos kung ma-eestablish mo pa ng mabuti ang settings ng story mo. Describe it well in a way na ma-vivisualize namin ang mga lugar na iyon.

NARRATION AND DIALOGUE:

Mas pag-igihan mo pa ang pag-nanarrate. If you want your readers to be emotionally engaged and moved by your story, you need to narrate clearly.

Instead of telling us what they do, show us their emotions. The way they laughed, smiled or get sad can have an impact to the readers. "Show, don't tell." ika nga nila. And the same thing goes to your dialogue.

Tungkol naman sa dialogue tag mo, please know when to capitalized it.

Small letter lang kapag ang dialogue tag ay saad niya, sabi niya etc..

Capital naman kapag action ang kasunod na word ng dialogue.

Kindly research about the proper usage of comma and period. Minsan kasi nalilito ka, minsan tama pero may instances na mali ang nagagamit mo.

Comma kapag ang kasunod ay sabi niya, saad niya, tugon etc..

Period naman kapag action ang kasunod na word.

TECHNICALITIES:

Napansin kong nalilito ka sa paggamit ng 'nang at ng'

Ng ay ginagamit sa pagsagot sa tanong na kailan at ano.
kapag tungkol sa oras at petsa.
kapag tumutukoy sa hitsura.

Nang ay ginagamit pamalit sa salitang noong, para at upang.
Para masarap bigkasin ang na.
Kapag inilalarawan kung paano. isinasagawa ang isang kilos.
Kapag inuulit ang isang salita.

Tamang pag-gamit ng daw at raw, din at rin, dito at rito:

Kung nagtatapos ang salita sa a, e, i, o, u, w, at y ay raw, rin at rito ang gagamitin.

Din, daw at dito naman kung nagtatapos sa consonant maliban sa y at w ang salitang sinundan nito.

Paggamit ng (') o apostrophe. Ginagamit 'yan kapag may ioomit ka na isang letter.

Kagaya ng:

Ganoon= gano'n
Hindi= 'di
Doon= do'n
Ganiyan= gan'yan

Since formal writing ito, iwasan natin ang mga misspelled words like: Ganun at dun.

'wag mo ring kakalimutan ang tamang paggamit ng daglat o abbreviation.

Ang daglat ay pananda na ginagamit para maging malinaw ang kahulugan ng mga pangungusap.

Kagaya ng:
sa akin - sa 'kin
sa iyo - sa 'yo
sa atin - sa 'tin

May mga napansin din akong typo errors so, I suggest na mag-proofread ka muna bago mo ipublish ang isang chapter.

For example:

Staka should be saka.

Be careful with the use of words lalo na sa mga magkatunog. Mag-iiba kasi ang meaning ng sentence kapag gano'n.

For example:

"No. You're staying here weather she like it or not."

Weather is wrong. It should be 'whether'

There were also some grammatical error. Be careful with past and present tense.

For example:

"I want to shouted at him."

It should be, "I want to shout at him."

And always write the word "I" in a capital letter in every sentences.

May mga kailangan ding i-reconstruct na sentences kagaya ng:

"They smiled at me, I smiled also."

It should be, "They smiled at me and I did the same."

Iwasang paulit-ulitin ang mga kataga.

MESSAGE:

Hi, author! Your story is a masterpiece! I want to commend you for that! Hindi masusukat ng ilang maliliit na errors na ito ang ganda ng story mo. So just write your heart! I had fun reading your story and I loved it! I'll be your reader from now on and I'm hoping to read more of Lillian and Cairo's kilig moments! Feel free to DM me if you need my help. :) Thank you for sharing your masterpiece with us. Keep writing and keep shining! ❤

The CriticsKde žijí příběhy. Začni objevovat