Critique 7

136 3 1
                                    

Critique made by: tothefellaoverthere

Story: Honest Goodbye

Author: unhappykitten

Author: unhappykitten

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Critic's note:

Hi! First of all, everything that was written here is based on my knowledge as a critic. I do not mean to offend you in any way. And thank you for choosing us! :)

TITLE:

Your title was great! It gave me an impression that this is going to be a sad story yet a mysterious one. Sa title pa lang ay makukuha na agad ang interes ng mga readers dahil mag-iiwan ito ng mga katanungan kagaya ng, "Bakit gano'n? Hindi ba sila magkakatuluyan kaya't honest goodbye ang title?", "Ano ang magiging takbo ng kuwento nila?", at "Ano ang magiging dahilan kung bakit sila magpapaalam sa isa't-isa?" You chose your title wise and that's a good move to catch the reader's attention.

BOOK COVER:

Maganda ang book cover mo. Malinis tingnan at madaling mabasa ang title. Ang tanging napansin ko lang ay masiyadong maliit ang font size lalo na pagdating sa iyong pen name. Maliit na icon lang ang book cover kapag nasa Wattpad app. kaya't mas mabuting lakihan mo pa ang font size ng iyong title at pen name para naman mas kapansin-pansin ito sa mata ng mga readers.

BLURB/SYNOPSIS:

To be honest, naguluhan ako sa blurb ng story mo. Hindi ko makuha ang nais mong iparating at dahil 'yon sa magulo ang pagka-construct mo ng sentences. So, you need to reconstruct your whole blurb.

STORY CONTENT/PLOT:

Your first five chapters was kinda dull for me. Akala ko noong una ay isa lang siya sa mga typical stories na may cliché na plot BUT you proved me wrong. Nakaramdam ako ng excitement nang malaman na iba pala ang istorya mo sa mga nababasa ko. Dahil do'n ay mas na-engganyo pa akong ipagpatuloy ang pagbabasa. Kudos!

CHARACTER:

You need to develop your character more. Kailangan mas maramdaman pa ng mga readers ang emosyon nina Eyv, Mat, at Max. Kailangan makuha nila ang interes namin para mas ganahan pa kaming alamin kung ano ang kahihinatnan ng tatlo.

SETTING:

Napansin ko na mas focus ka sa paglalahad ng main topic ng istorya mo kaya't nakakalimutan mong i-establish ng maayos ang settings mo. Walang masama roon pero mas mararamdaman namin ang istorya mo kapag na-vivisualize namin ang pinangyarihan ng eksena. Hindi ba't mas maganda kung ma-feel ng readers mo na naroon din sila sa eksenang iyon?

Describe your settings well in a way that we can visualize it.

NARRATION AND DIALOGUE:

Kailangan mo pang mas hasain ang narration skills mo. Para sa akin ay plain ang pagkalahad mo ng istorya kaya't pag-igihan mo pa na mas mapaganda ito sa paraan na ma-hohook kami sa mga nangyayari.

Organize your thoughts well. Isa 'yan sa napansin kong problema mo, marahil ay sa rami ng idea na pumapasok sa 'yo ay nalilito ka na sa kung ano ang isusulat. Minsan ay naguguluhan ako sa pag-nanarrate mo kaya't sana ay ma-improve mo ito.

For example:

Sa eksena kung saan tinanong ni Mat si Krisha kung puwede siyang ligawan ay bigla na lang nag-iba ang mood niya at sabi niya pa ay ayaw niyang pinipilit siya kaya bababa na lang siya ng sasakyan pero hindi ko naman naramdaman ang pamimilit ni Mat. Ang mga sumunod na eksena ay mas naguluhan na ako.

Sa tingin ko ay masiyadong nag-ooverlap ang mga idea sa'yo kaya't hindi mo nagagawang iparating ang gusto mong mangyari.

Para naman sa dialogue part ay nakakalimutan mo madalas ang paggamit ng period o comma.

Comma ang ginagamit kapag ang kasunod na dialogue tag ay: sabi niya, saad niya o tugon niya.

Period naman kapag action ang kasunod ng dialogue.

Mahalagang bahagi 'yan kaya't 'wag mo sanang kalimutan.

Isa pang napansin ko ay ang madalas mong paggamit ng dialogue tag. Oo, mahalaga 'yan para malaman kung sino ang nagsasalita pero kung dalawa lang silang nag-uusap ay limitahan mo na ang paglalagay niyan.

As much as possible, use dialogue tags every three to four lines only. Or instead of using tags, you can use other ways to let the reader know who's speaking, like, have the character do something before or right after they speak.

And don't use the word 'said' too often. Widen your vocabulary. There are lots of alternative words for 'said'.

TECHNICALITIES:

May mga grammatical errors akong nakita. Kindly research on how to construct a sentence.

Do not be confused with past and present tense.

Some sentences need reconstruction.
Magulo ang mga ito at mahirap intindihin.

Wrong choice of words used.

"Why would I even talk to someone who left me unsaid?"

Sa tingin ko ito ang nais mong iparating ay, "Why would I talk to someone who left without saying anything?"

'Wag mo ring kalimutan gumamit ng gitling sa mga pinagsamang salita.

Alamin ang tamang paggamit ng: 'nang at ng'
'rin at din'

Iwasan ang maling pagsulat ng mga salita.

Kagaya ng:

Jan ❌
Diyan ✔

sakaniya ❌
Sa kaniya✔

Sainyo❌
Sa inyo✔

Katapos ❌
Pagkatapos✔

Kauwi❌
Pagkauwi✔

Be careful in switching Tagalog and English words in one sentence. Mas mainam kung deretsong English na lang o Tagalog. Minsan kasi ay nagiging inappropriate na ito.

MESSAGE:

Hi, unhappykitten! I want to commend you for writing Honest Goodbye! It was awesome. You really did a good job! Hindi masusukat ng ilang errors na ito ang ganda ng story mo. So just write your heart! I'm hoping to read more of Krisha, Mat and Max heartbreaking moments! Can't wait for Sian's appearance too.

You know you can reach out to me anytime. I will always be here to support you.

Thank you for sharing your masterpiece with us. Keep writing and keep shining! ❤

The CriticsWhere stories live. Discover now