Critique 5

126 3 6
                                    

Critique made by: ThatGirlWithHoodie

Story: Ken Suson; Found You

Author: MsLegion

Author: MsLegion

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TITLE:

Ang paglalagay pa lang ng semi colon sa story title mo ay mali na. Pero bukod doon wala ng problema sa title mo. Nakaka-engganyo siyang basahin lalo na dahil iniidolo ito ngayon ng karamihan.

BOOK COVER:

Ang book cover mo ay akma naman sa plot ng istorya mo, pero para sa akin, masiyadong simple ang color palette at ang font naman ay masiyadong maliit.

Suggestion:

Baka p'wedeng lakihan mo ang "Found You", at saka, sa itaas mo ilagay ang "A Fan fiction story of Ken Suson".

BLURB/SYNOPSIS:

Ang story description mo naman ay masiyadong mahaba. P'wede mo siyang gawing isa o dalawang paragraph ngunit naroon na dapat ang mga importante.

STORY CONTENT/PLOT:

Sa isang katulad ko na hindi gaanong mahilig magbasa ng mga fan fiction, maganda ang content ng story mo. Ang plot naman ay nakaka-excite! I'm looking forward sa journey nila Astrid at ni Mr. President! Simula ngayon ay isa na ako sa mga maghihintay ng mga updates mo!

CHARACTER:

Mas paki-describe na lang siya ng kaunti para mas makilala pa namin ang mga karakter sa kuwento mo.

SETTING:

Kaunting paglilinaw na lang. Iyong parang kami ay kasama roon. Nakikita namin ang mga ipinapaliwanag mo.

NARRATION AND DIALOGUE:

Actually, magaling ka! Hanga ako sa pagna-narrate mo, lalo na't halos ay lahat english.

Ngunit, may napansin akong hindi tama at hindi akma.

Katulad nito:

Sa alignment ng mga paragraph. Magulo siyang basahin, hindi rin nailagay ng tama ang  comma at period.

Formal writing ito kaya dapat, formal din ang mga dapat na ilalagay.

Note: Subukan mong tignan ulit. Basahin din ng malakas nang sa ganoon ay malalaman mo kung saan ka banda nagkakamali.

TECHNICALITIES:

Ili-list down ko nalang ang ilan sa mga errors na napansin ko, lalo na sa paggamit ng salitang Filipino.

Eto-Eto ❌ - Heto ✔

Sakanila ❌- Sa kanila ✔

Andiyan ❌ - Nandiyan ✔

Ayan ❌- Hayan ✔

Pagsisikan ❌ - Ipagsisiksikan

Nilapit niya sarili niya sa akin. Kaya naman umurong ako palapit sa kaniya ❌

Pagkalapit niya sa akin ay umurong din ako papalapit sa kanya ✔

Kakarating ❌ - Kararating ✔

MESSAGE:

Good day, aspiring writer! Maraming salamat sa pagtitiwala sa amin! Magaling ka, ipagpatuloy mo iyan! Huwag kang susuko sa mga bagay na nagpapaligaya sa iyo. Bilang katulad mong nagsisimula rin sa ganitong larangan, lubos akong natutuwa sa pagiging matapang mo. Nawa'y nakatulong ito kahit kaunti.

The CriticsWhere stories live. Discover now