Critique 9

84 3 2
                                    

Critique made by: tothefellaoverthere

Story: Never fall in love again

Author: Biatchiful760

Author: Biatchiful760

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Critic's note:

Hi! First of all, everything that was written here is based on my knowledge as a critic. I do not mean to offend you in any way. And thank you for choosing us! :)

TITLE:

Maganda ang napili mong title. Akmang-akma sa napili mong genre.

BOOK COVER:

Nakulangan ako sa book cover mo. Para sa akin ay hindi nito nagawang iparating ang genre ng istorya mo. Marahil ay dahil sa plain white ang napili mong background color kaya hindi umakma sa romance genre. Hindi rin fit ang iyong cover sa standard size ng Wattpad cover kaya putol ang ilang text na nakasulat doon.

Suggestion:

Gumamit ka ng cover na mas lilitaw ang pagka-romance ng story mo at siguraduhin mo rin na na-meet nito ang required size para sa book cover.

BLURB/SYNOPSIS:

Maayos ang blurb ng istorya mo. Concise ang mga detalye kaya good job!

STORY CONTENT/PLOT:

Maganda ang flow ng story mo. Nakaka-engganyo itong basahin lalo pa at maganda ang plot.

CHARACTER:

Maayos mong na-establish ang mga karakter mo. Pag-igihan mo na lang na mas maparamdam pa ang emosyon nila.

SETTING:

Hindi ko masyadong na-visualize ang settings ng istorya mo kaya trabahuhin mo pang mailahad iyon sa paraang mararamdaman naming naroon kami sa loob ng istorya mo.

NARRATION AND DIALOGUE:

Maayos din ang narration mo. Ang tanging napansin ko lang ay ang paulit-ulit mong paggamit ng mga salita sa pag-nanarrate. Widen your vocabulary.

Iwasan mo rin ang paggamit ng “haha” o “hihi” sa narration mo.

Alamin din ang tamang paggamit ng comma at period pagkatapos ng dialogue.

Iwasan ang paggamit ng dialogue tag kung hindi naman kinakailangan.

Ang dialogue tag ay ginagamit lamang para iindika kung sino ang nagsasalita. May mga ibang paraan para maiparating kung sino ang nagsasalita.

Small letter lang din ang ginagamit sa dialogue tag kagaya ng: sabi niya, saad niya o tanong niya.

Capital letter naman kapag aksyon ang kasunod ng dialogue.

TECHNICALITIES:

Ito ang mga kailangan mong gawin at baguhin sa istorya mo:

Tamang paggamit ng daglat:

Sakin
Sa ‘kin

Yong o Iyong
‘yong

Paggamit ng (') apostrophe. Ginagamit ito kapag may aalisin kang letra mula sa isang salita upang mas mapaganda ang bigkas.

Kagaya ng:

To❌
‘to ✔

Di❌
‘di✔

Sya❌
S'ya ✔

Nya ❌
N'ya ✔

Alamin ang tamang paggamit ng:

Rin at din
Rito at dito
Nang at ng

Halimbawa:

Dito pinapatapon lahat nang mga spoiled na mamamayan.❌

Dito pinapatapon lahat ng mga spoiled na mamamayan. ✔

Papunta na ako ng canteen ng may nakabunggo ako.❌

Papunta na ako ng canteen nang may nakabunggo ako. ✔

Iwasan din ang maling pag-spell ng mga salita.
Kagaya ng:

Skwela❌
Eskwela ✔

Since formal writing ito, kailangan tama ang pagkakasulat ng Tagalog words.

Nalang❌
na lang✔

Parin❌
pa rin✔

Diba❌
‘di ba✔

Bulong bulongan ❌
Bulong-bulungan✔

Alamin ang tamang paggamit ng gitling:

Ano ano
Anu-ano

‘wag din kakalimutan i-capitalized ang proper noun.

May mga grammatical at typo errors din akong nakita. Mag-proofread muna bago i-publish ang isang chapter.

For example:

They started playing football while me is still running. ❌

They started playing football while I’m is still running.  ✔

MESSAGE:

Hi, author! Binabati kita sa napakaganda mong istorya! Nag-enjoy ako sa pagbabasa at talagang nakuha ng istorya mo ang atensyon ko. May mga ilang errors man akong nakita ay hindi no'n masusukat ang galing mo sa pagsusulat. Sulat lang nang sulat. Salamat sa pagbabahagi mo ng iyong obra!

Keep shining! :)

The CriticsWhere stories live. Discover now