Critique 10

95 2 0
                                    

Critique made by: ThatGirlWithHoodie

Story: One taught me love

Author: Tandang_Sura

Author: Tandang_Sura

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Critic's note:

Hi, Aspiring writer! Nais ko lamang sabihin na ang lahat ng sasabihin ko rito ay base lamang sa aking kaalaman bilang isang critic. Wala akong intensyon na ma-offend ka o makababa ng confidence mo bilang isang nagsisimula sa larangang ito, bagkus ay maaari pa itong makatulong sa pag-unlad hindi lamang sa iyo, kung hindi pati na rin sa kasisimula pa lamang sa ganitong larangan.

TITLE:

Your title is great! Nakaka-engganyo siyang basahin. Talagang mapapatanong ang mga readers kung ito ba ay magiging happy ending o hindi.

BOOK COVER:

Maganda ang book cover mo, malinis din ang background. Kaya walang problema. Good job!

BLURB/SYNOPSIS:

Your story description caught my attention in an instant! Kapag may reader na makakabasa ng story description ay ma-eengganyo itong basahin ang buong estorya!

STORY CONTENT/PLOT:

Maayos ang nilalaman ng kuwento mo, iyon nga lang pagdating naman sa plot, napansin ko na ang bilis. Hindi ba't iilang beses pa lamang silang nagkaka-encounter tapos biglang nagkakagustuhan na sila? Hindi ba at wala pang kinikuwento si Anton  kay Andra tungkol sa kaniyang family background ngunit nang sabihin ng Tito Daddy ni Andra ang katagang, "you... taking illegal drugs." Hindi man lang siya nagulat, bagkus ay ang pagiging straightforward pa ng Tito Daddy niya ang kaniyang ikinagulat?

But anyway, your story is great! Marami pa namang kabanata so, I assume na marami pang mangyayari at marami pang revelations ang masisiwalat.

Good job and good luck!

CHARACTERS:

Maayos at detalyado ang pagkaka-describe mo sa mga characters mo, at iyon ang isa sa mga nagustuhan ko!

SETTINGS:

Kung paano mo i-describe ang mga characters mo, sana, gano'n mo rin i-visualize ang settings mo. 'Yong tipong para mo kaming dinala sa ganoong klase ng lugar.

NARRATION AND DIALOGUE:

Magaling kang mag-narrate ng kwento. Ngunit, pagdating sa dialogue ay may napapansin akong sobra-sobra at kulang-kulang. Katulad na lang ng hindi mo paglalagay ng kuwit/comma at tuldok bago ang dialogue tag o action tag.

Madalas ay sobrang lalayo rin ng spacing. Pati rin ang tamang pag-gamit ng DIN at RIN.

Some examples from your story:

"Then don't attend the party kung ayaw mong malasing(.)" Tumalikod ako saglit para ngitian siya.

"Sasama naman si Claire at Yssa plus .. may POGI" binigyang diin pa niya ang salitang 'pogi' umaasang yun ang mag-papapayag sa akin na sumama mamaya. ❌

"Sasama naman sina Claire at Yssa, plus... may POGI," binigyang diin pa niya ang salitang 'pogi' umaasang iyon ang makakapagpapayag sa akin na sumama mamaya. ✔

Huwag ding paulit-ulit gamitin ang isang salita.

Katulad ng:

Tinaas niya ang kanang kamay niya at sumenyas sa waiter. ❌

Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay saka sumenyas sa waiter. ✔

Note:

Huwag mong kalilimutang maglagay ng kuwit o tuldok pagkatapos ng dialogue bago ka maglagay ng dialogue tag o action tag.

TECHNICALITIES:

Ito ang ilan sa mga napansin kong errors sa story mo:

Sasama ka din for sure!  ❌
Sasama ka rin for sure!✔

Nagsunuran na din ❌
Nagsunuran na rin ✔

ata ❌
yata ✔

Nag-sabay ❌
Nagsabay ✔

Pag-lipat ❌
Paglipat✔

to ❌
Ito/ 'to ✔

Nakakamatay ❌
Nakamamatay✔

Nung ❌
Noong/ No'ng ✔

...agad na akong lumabas ng elevator kabukas na kabukas❌

...agad na akong lumabas ng elevator pagkabukas na pagkabukas nito.✔

Barahula ❌
Balahura ✔

Note:

Kung nagtatapos ang salita sa a, e, i, o, u, w at y ay RIN ang gagamitin.

DIN naman kung nagtatapos ito sa consonant maliban sa w at y.

Same as the, RAW, RITO, ROON, RIYAN and DOON, DITO,  DAW at DIYAN."

Ginagamit ang gitling kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig (consonant) at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig (vowel) na nagkakaroon ng ibang kahulugan kapag hindi ginigitlingan dahil na rin sa pagkakabigkas.

MESSAGE:

Good day, aspiring writer! Maraming salamat sa pagtitiwala sa amin! Magaling ka, ipagpatuloy mo iyan! Huwag kang kasusuko sa mga bagay na nagpapaligaya sa iyo. Bilang katulad mong nagsisimula rin sa ganitong larangan, lubos akong natutuwa sa pagiging matapang mo. Nawa'y nakatulong ako kahit kaunti.

The CriticsWhere stories live. Discover now