Critique 8

140 1 2
                                    

Critique made by: tothefellaoverthere

Story: Majestic Academy

Author: empressjoy18

Author: empressjoy18

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Critic's note:

Hello! First of all, everything that was written here is based on my knowledge as a critic. I do not mean to offend you in any way. And thank you for trusting us! :)

TITLE:

Para sa akin ay simple ang title na napili mo. Common siya pagdating sa genre ng istorya mo, halos pangalan kasi ng academy ang title ng mga fantasy stories na nakikita ko. Importante ang title sa isang libro dahil isa ‘yon sa pagbabasehan ng mga mambabasa mas mainam kung sa title pa lang ay magiging kakaiba na ito at kaabang-abang.

BOOK COVER:

Your book cover was great! It screams fantasy kaya’t akmang-akma ito sa istorya mo. Tamang-tama rin ang font size at font color na ginamit mo. So, good job!

BLURB/SYNOPSIS:

Maayos ang pagkakalahad mo ng blurb ng kuwento mo. Detalyado ngunit hindi lahat ay ibinigay mo at isa ‘yon sa magandang strategy para ma-excite ang mga readers na basahin ang istorya mo.

STORY CONTENT/PLOT:

Inaamin kong medyo cliché ang dating sa akin ng plot mo lalo pa at marami na akong nabasang ganito ang plot pero dahil nilagyan mo ng spice ang iyong kuwento ay naiba ito sa mga ordinaryong nabasa ko. At magaling ang ginawa mong iyon dahil nakuha mo ang interes ko. Gusting-gusto ko rin ang ginawa mong twist doon!

CHARACTER:

Maayos mong na-establish ang characters mo. Isa rin iyan sa nakakuha ng interes ko. Ang napansin ko lang ay ang inconsistency ng mga karakter mo, marahil ay dahil iyon sa apat silang magkakapatid at kambal pa kaya minsan ay nalilito ka sa kanilang karakteridad.

SETTING:

Ang fantasy genre ang isa sa kritikal pagdating sa settings dahil kailangan nito maging kaaya-aya sa mata ng mga mambabasa. At nagawa mong ilahad iyon ng maganda. Dahil do’n ay na-visualize ko ang iba’t-ibang parte ng Majestic Academy, so, kudos!

NARRATION AND DIALOGUE:

Nakulangan ako sa pag-nanarrate mo noong mga unang chapters, mabuti na lamang at naging maayos na ito at mas nakaka-engganyong basahin noong mga sumunod. Katulad sa karakter ay nagkakaroon din ng inconsistency sa narration at ‘yon ay dahil din sa apat sila kaya’t minsan ay magulo ang narration.

Maayos rin ang dialogue ng istorya mo, naipaparamdam mo ang mga emosyon ng mga tauhan. May mga naging problema nga lamang pagdating sa dialogue tag, minsan ay nakakalimutan mong lagyan ito lalo na kapag nag-uusap ang magkakapatid at dahil apat sila ay nahihirapan akong malaman kung sino ang nagsasalita. Minsan naman ay sumusobra sa dialogue tag na hindi na maganda sa paningin.

Limitahan mo ang paglagay ng: sabi ni Mimi, tugon ni Riri, o sambit ni Bibi, palitan mo na lang ito ng aksyon na nag-iindika na sila ang nagsasalita. Ang isa pang paraan para ma-indika kung sino ang nagsasalita ay ang pagsambit ng pangalan ng kausap ngunit dapat ay limitado rin ang paggamit nito.

Halimbawa:

“Ano ang gagawin natin?” tanong ni Mimi.

Lumapit sa kaniya si Riri at umakbay. “Papasukin natin ang kaniyang kuwarto! Ano sa palagay mo, Bibi?”

“Para sa akin ay ayos lang.”

“Hindi ba delikado ‘yan?” Hindi ko na napigilang hindi makisabat, lumapit na rin ako sa mga ito.
-

Iwasan rin ang paggamit ng ‘haha’ o ‘hihi’ sa paglalahad. Mas mainam na ilagay mo na lang na natatawa siya.

TECHNICALITIES:

Ito ang mga kailangan mong gawin at baguhin sa istorya mo:

Paggamit ng (') apostrophe. Ginagamit ito kapag may aalisin kang letra mula sa isang salita upang mas mapaganda ang bigkas.
Kagaya ng:

Ata ❌
‘ata ✔

Wag ❌
‘Wag

Alamin ang tamang paggamit ng:
Rito at dito
Raw at daw

Iwasan din ang maling pag-spell ng mga salita.
Kagaya ng:
Aunty ❌
Auntie ✔

Skwelahan ❌
Eskwelahan✔

Unti-onti ❌
Unti-unti ✔

Studyante❌
Estudyante✔

Since formal writing ito, kailangan tama ang pagkakasulat ng Tagalog words.

Siguradohin ❌ Siguraduhin✔
Kwentohan ❌  Kwentuhan✔
Nagbubulong-bulongan❌ Nagbubulong-bulungan✔

‘wag rin kakalimutang i-capitalized ang proper noun.

MESSAGE:

Hi, empressjoy18! I want to commend you for writing Majestic Academy! I had fun reading your story. Kudos! Alam kong nasa proseso ka na ng pag-eedit kaya kung may mga napansin man akong mga errors na na-edit mo na ay pasensya na. Magaling kang writer kaya ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat. Just write your heart out.

Thank you for sharing your masterpiece with us. Keep writing and keep shining! :)

The CriticsWhere stories live. Discover now