01

20.3K 494 223
                                    


[Warning: SPG]

Name Pronunciation

Eustace - Yus/tes

Nicolette - Ni/co/ley

Yrida - I/ri/da


Simula

"Go, girls! Hindi gan'yan ang paggiling. Sabayan n'yo 'ko." Panay ang sayaw ko sa gitna ng sand beach kasama sina Nicolette at Cess.

There are lots of people here dancing along with the loud music, cold open place, guys you don't even know and doing what you want.

"Oh my God, Fenella! Huwag mong mas'yadong galingan! Look at the boys, they are looking at you like you're their prey!" Sigaw ni Cess habang panay ang giling namin sa gitna.

Hindi ko s'ya mas'yadong marinig dahil sa lakas ng beat at sounds sa paligid.

"It's okay, Cess! Let them drool because that's how I killed boys." Kinindatan ko s'ya pagkasabi ko n'on.

Cess and Nicolette just rolled their eyes on me before laughing. Sanay na kami sa isa't isa at sanay na rin ako sa mga facial reactions nila.

Habang pinapatuloy ang sayaw, ibinaba ko pa ang suot kong red fitted sleeveless at mas lalong pi-nush ang bra para magkaroon naman ako ng dibdib.

Pagkatapos noon ay itinaas ko ang dalawang kamay at muling sumayaw.

I saw Nicolette looking at my arms, "Look at her armpit, kulang na lang mabura sa sobrang puti at kinis!" Puna nito sa kili-kili ko.

Tinawanan ko naman s'ya at mas sinexyhan pa ang pagsasayaw. I need to fish two handsome men with one stone.

Habang sumasayaw ako, napahawak ako kay Cess nang maramdaman kong naninikip na naman ang dibdib ko.

"Oh my God!" Cess yelled while holding my shoulder. Her voice sounds worried.

"What the hell, Fenella. I told you before you need to stay calm! Look what you did!" Nicolette's voice. Lumapit na rin s'ya sa'kin at inalalayan ako.

"G-get me out of here," nahihirapan kong pakiusap sa kanila.

Nakahawak na ako sa dibdib ko at halos ipasok ko na sa loob ng katawan ang aking kamao. I can't breathe normally!

Habol ako nang habol sa aking hininga habang nilalayo nila ako sa dagat ng mga nagsasayawang tao.

Nararamdaman ko na rin ang malalamig na pawis ng buong katawan ko. Hindi ko pa nadala ang inhaler dahil nasa kotse 'yon.

Habang naglalakad, hindi ko na kinaya ang paghahabol ng hininga at ang paninikip ng dibdib. Pakiramdam ko, ilang segundo na lang ay tutumba na ako.

"Shit, Fenella! Wake up! Don't sleep! Oh my God!" Patuloy sa pagsigaw ni Cess. I almost heard her crying.

"I'm going to call your mother! She needs to know what happened!"

Agad kong nilingunan si Nicolette nang sabihin n'ya 'yon. She's about to get her phone inside of her pocket but I urgently snatched it.

Napaupo ako sa sahig matapos kong makuha ang phone n'ya. Hirap na hirap pa rin ako sa paghinga. Kahit sa ilong ay hindi ko magawang maglabas o humigop ng hangin.

"Fenella, what are you doing? Are you crazy!?" Nicolette was angry at this moment. She wants to get back her phone but I take it away from her.

Pinilit kong magsalita kahit nahihirapan. I hold my chest and breathe, "D-don't call my," napatigil ako at lumunok ng laway. "M-mom. P-please don't call her. I d-don't want to..."

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedWhere stories live. Discover now