30

3.7K 203 181
                                    


Attracted.

Nararamdaman ko nang aatakihin na ako  ng sakit ko kung hindi lang hinawakan ni Caplan ang kamay ko.

Nag-iinit ang pisngi at ang tenga kong hindi makatingin kay Mommy.

Alam kong nagulat at galit s'ya ngayon dahil sa nakita. Kung bakit naman kasi dito pa namin sa living room ginawa 'yon!?

Nalasing ako masyado sa mga halik ni Caplan at ako mismo'y hindi na rin nakontrol ang sarili.

Hindi ko s'ya sinisisi. We are both at fault. Masyado lang kaming nadala sa bugso ng damdamin.

But, ugh! I'm really really dead! We caught in the act! Naghahalikan pa ata kami noon ni Caplan nang makita kami ni Mommy!

Oh, damn! What should I do?

“M-mom...” my voice broke.

Hindi pa rin ako makatingin sa kan'ya. I'm embarassed and I don't want to see her disappointed reaction.

Narinig ko ang matunog na paghinga ni Mommy. Napalunok ako.

“Fenella, go upstairs,” seryoso ang boses n'ya kahit hindi na tignan pa ng itsura.

Mas kinabahan ako. Humigpit naman ang hawak ko sa kamay ni Caplan.

“Caplan, sumunod ka sa 'kin,” dagdag ni Mommy na ikinatunghay ko na.

Napatungo si Caplan at ramdam kong kinakabahan din s'ya. Mapula ang tenga nito at panay ang taas-baba ng adams apple.

Akmang lalakad na ito ngunit nagsalita ako.

“Mom!” tawag ko kay Mommy na kasalukuyang nakatalikod na sa 'min.

Hindi mababakas ang dating masayang mukha rito. Deretso n'ya 'kong nilingunan, bahagyang nakakunot ang kilay at tiklop ang mga labi.

Shit. Is she mad? Patay naman ang ilaw noong nasa sofa kami ni Caplan, lumiwanag lang noong binuksan ni Mommy ang switch.

Nakita n'ya kayang hinuhubaran ako ni Caplan? Ugh! I hope it's not!

“Just go upstairs, Fenella.”

Her face was serious as well as her voice. Nothing more, nothing less. Hindi ko mabasa.

Nauna na si Mommy papunta sa pool side. Hindi na nito hinintay pa si Caplan.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak sa kamay nito.

Bago s'ya sumunod kay Mommy ay hinalikan muna ako sa noo.

He smiled at me.

“Don't worry too much. Baka atakihin ka n'yan,” he said sweetly but I know he's nervous, too.

Kinagat ko ang aking labi at bumuga ng hangin. Hindi ako nagsalita dahil pakiramdam ko, maiiyak ako.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko nang naglakad na s'ya palayo.

Natatakot ako sa pwedeng sabihin sa kan'ya ni Mommy.

Kinakabahan ako. Nahihiya dahil nahuli kami sa ganoong posisyon.

Nang maalala ko si Daddy. Agad kong nilibot ang paningin sa buong bahay. Malayo man ang kusina ay tinanaw ko 'yon, pati na rin ang itaas ng hagdan.

Where's daddy?

Shit! What if my dad is at the pool area, too? Masasabon talaga doon si Caplan!

He needs me! 

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedWhere stories live. Discover now