03

6.8K 265 91
                                    








Hindi ako makagalaw nang bigla s'yang sumulpot sa harapan ko. Those familiar brown fixed hair and the smile he owned never gets old.

He's wearing a casual attire today. Nakablack and gray striped long sleeve polo shirt, black trouser pants and white Kenneth Cole NY shoes.

He also have a sunglasses pero nakasabit lang 'yon sa pagitan ng polo n'ya.

"Tumatakas ka na naman ba, Fenella Eustace Monterico?" Tumaas ang kilay at nguso ni Jereniah ng itanong 'yon.

Bumuntong-hininga naman ako. Sa dinami rami ng pwede kong makasalubong, bakit si Jereniah Brassard pa? Gusto ko tuloy hampasin ang noo ko.

"I'm not. May pupuntahan lang talaga ako." I cleared my throat after lying.

He stepped forward, both hands were stucked on his pocket. Magsasalita na sana ito ngunit napatingin kami sa likod ko nang biglang bumukas ang pinto.

Unang-unang lumabas si Caplan, kasunod n'ya sina Cess at Nicolette. Their face are disappointed with a mixed of concern. Kunot na kunot ang noo ni Nicolette.

"What the hell, Fenella? Akala ko ba magre-rest room ka lang? Bakit nandito ka na sa labas?!" Sigaw ni Nicolette matapos makalapit.

Napairap naman ako at malalim na bumuntong-hininga. Wala na akong kawala. Nahuli na ako.

Umiiling naman na lumapit sa 'min si Caplan. Tinaasan ko s'ya ng kilay dahil kung makanguso ay wagas.

"Oh wait! Jereniah? Oh my God! Kailan ka pa nakauwi?" Agad na lumapit si Cess kay Jereniah nang makita n'ya ito sa likod ko.

Jereniah gave Cess his jaw dropping grin. "Hi, Cess... It's been a while, 'di ka pa rin tumatangkad!" Biro niya rito.

Hinampas naman s'ya ni Cess sa braso at isinipit ang buhok sa likod ng tainga. "Ano ka ba? Parang ilang taon kang nawala, ah? 1 week lang naman!" Tumawa ito pagkatapos.

"Bakit ang aga mong bumalik?" Muling tanong ni Cess.

Sandali naman akong nilingunan ni Jereniah, "Na-miss ko ata si Fenella, eh." Ngumuso ito na parang bata.

Kinunutan ko s'ya ng noo dahil sa sinabi. Ito talagang matandang ito, malandi pa rin.

He's already 25 years old pero hindi halata sa kan'yang mukha. May lahi kasi siyang Australian. Blue eyes na medyo nagiging kulay green, mahabang pilik mata, pointed nose, ideal jawlines and clear skin.

Almost perfect. Walang pimples pero may kaunting freckles lang ito sa pisngi.

Tinawanan lang s'ya nina Cess at Nicolette, si Caplan naman ay isang dipa ang layo sa 'min at nakatalikod.

Wow, he knows how to respect conversation with my friends. Sana lumayo pa s'ya ng mas malayo sa isang dipa. 'Yung hindi ko na makikita.

"Oh, anyway. May pasalubong ako sa inyo galing France. Ibigay ko na lang next meet up natin." Saad ni Jereniah matapos ang ilang segundo.

Cess stepped forward, "Huh? Why? Nand'yan lang naman 'yung company n'yo!" She chuckled.

"My mom is calling for Fenella. She's going to present her designs and," sinulyapan muna ako nito bago tignan ang wrist watch. "We're late."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napalunok. Oh my gosh. What to do? Hindi pa ako tapos sa designs!

Tumango-tango sina Cess at lumapit sa 'kin. She hang her hands on my arms at hinarap si Jereniah.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedWhere stories live. Discover now