33

3.7K 167 170
                                    

WARNING: R-18. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.


Ill-fated Relationship.

Kasabay ng paglipas ng panahon, ang mabilis na paglipas ng araw.

Dumaan ang buwan, hindi ko inaakalang aabot kami ni Caplan ng pito at parang hihigitan pa noon ang bilang ng monthsary namin.

Sa loob ng ilang months na 'yon, there's a lot of things had happened.

Those unavoidable simple fights, jealousy, especially ako, aminado akong ako palagi ang gumagawa ng ikakaselos ko.

Hindi ko naman masisisi ang sarili dahil palagi talaga kaming nagkakawalaan ng oras ni Caplan para sa isa't isa.

Ang malala pa roon ay bumabalik-balik talaga si Yrida sa office n'ya. Kung pwede nga lang ipa-ban 'yon sa company nila, nagawa ko na!

The thing is she's close with Caplan's father. Nakakausap ko ang Papa ni Caplan, we're okay. Pero hindi kagaya kung gaano sila ka-close ng bitch na 'yon.

Napasinghap ako matapos umupo sa isang malambot na couch kung saan kami madalas nagpapahinga.

It's photoshoot break. Alas kwatro na kaya nagsisialisan na rin ang mga staff na nag-asikaso sa 'min kanina.

Kaming apat na lang ang natira sa loob ng studio para mamahinga bago umuwi.

Sobrang dami ng promotion kanina. Hindi ko na kakayanin kung hindi pa kami nagpahinga ngayon.

Taking pictures was okay. Ayaw ko lang noong papalit-palit ng suot every hour. Nakakatamad!

Jereniah hand me a bottled of water. Nag-aalangan pa akong tanggapin 'yon pero nang makita kong binigyan n'ya rin si Nics, kinuha ko na.

Baka kasi kung anong isipin ni Nics sa pakikitungo sa 'kin ni Jereniah kahit minsan obvious na obvious naman na talaga.

Hindi ko naman mapangunahan si Nics sa desisyon n'ya na umamin sa nararamdaman. Nakiusap pa s'ya sa 'kin na huwag ko raw sasabihin kay Jereniah ang tungkol doon.

Masaya s'ya sa ganito lang. Masaya s'ya na nakikita n'ya ang lalaking ito araw-araw. Masaya s'yang walang alam si Jereniah na gusto s'ya nito!

She's so stupid! Hindi ko alam kung bakit may mga taong nag-se-settle sa less! Hindi ko alam kung bakit may mga taong nakakayang maging masaya kahit nasasaktan!

Anong masaya sa pagkikimkim ng nararamdaman para sa isang tao?

Napakaduwag ni Nics. Sobrang kabaliktaran namin s'ya ni Cess.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko iintindihin ang pagiging martyr n'ya.

Palagi s'yang takot sa kung ano ang mga pwedeng mangyari.

Hindi s'ya takot sa rejection. Takot s'yang masaktan nang sobra.

“May susundo ba sa 'yo?” tanong ni Jereniah nang makalapit s'ya sa 'kin.

Naitigil ko ang pag-inom at marahang pinahid ang gilid ng labi.

Shit! I forgot.

Hindi makakapunta rito si Caplan dahil may out of town ribbon cutting sila sa bagong franchise ng automobile cars in Laguna.

Sa huli ay napapayag din si Caplan na i-push ang pag-i-install ng automatic cars sa company nila.

And luckily, pumatok ito kahit sa ibang bansa. Their brand, BYD, is also known in Canada.

Malayo na rin ang naitakbo ng BYD Automobile cars nitong mga nagdaang pitong buwan.

He's lucky, and I am blessed to have him.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedWhere stories live. Discover now