38

4.6K 236 429
                                    





Playlist: Ala-ala by MM Madrigal.

Hello. This is the last chapter of Captivated Weakness. I'm so happy we reached this chapter! Maraming salamat sa pagsama sa 'kin, sa journey ng kwento ni Fenella at Caplan. The Epilogue will be post on the other day. Thank you everyone!

—Love, maentblack.


•••

Last pain.

Halos manginig ako nang maramdaman ang hangin matapos n'ya akong lampasan.

Hirap kong nilunok ang sariling laway. Wala pa ring tigil ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Parang titigil ang pagtibok ng puso ko anumang oras lang.

I closed my eyes and try to move my foot. Nagawa ko.

Nagawa kong igalaw ang mga paa kahit na sobrang nanlalambot ang buong katawan ko.

Kuyom ang mga kamay nang subukan kong habulin si Caplan.

Halos madali ko na ang mga taong nagsasayawan para lamang maabutan ko s'ya.

Why is he doing this to me? Ano ba talagang kasalanan ang nagawa ko?

"Caplan!" I shouted as I entered the room he walked into.

Sandali akong nagulat nang makita kung saan s'ya pumasok. Ganoon din ang gulat n'ya matapos akong makita pero agad ding bumalik sa pagkakaseryoso ang kan'yang mukha.

He's still holding a cigarette on his left hand. Umuusok iyon gaya ng sigarilyong hawak ng mga lalaking nasa loob ng silid.

Sandaling humina ang malakas na tugtog dahil nakasarado ang pinto.

Maraming tao rito. Some of them are guys, they are playing billiards and cards. Nakatingin din ang mga ito sa pwesto namin, hatalang gulat na pumasok ako.

"You're not allowed here," malamig na tonong sabi n'ya.

His brows creased and his stare was like a dagger, trying to tear my heart into pieces.

Binaliwala ko ang sinabi n'ya. I know what he's talking about. It's smoking area.

Napapalibutan ang paligid ng mga usok galing sa sigarilyo. Iba't ibang klase na ng amoy ang nalalanghap ko.

I bit my lips after I cough. Sandaling tinakpan ko ang ilong at bibig gamit ang braso.

Dahil maliwanag sa kwartong ito, ngayon ko lang din natitigan nang maayos ang mukha n'ya.

Kumunot pa ang kilay ko matapos makita roon ang ilang sugat lalo na sa ibabang labi noon.

May pasa rin ito sa gilid ng kanang mata, maliit na sugat sa itaas ng kilay at ilang gasgas sa pisngi.

Gusto kong manlumo habang sinisipat ang mga iyon. I want to touch his face and kiss his lips but I couldn't.

Hindi ko rin alam kung saan n'ya nakuha ang mga sugat at pasang iyon.

Did he fought someone? Basagulero na ba s'ya ngayon? What happened to my Caplan?

I heaved a sigh after getting some nerves to talk to him.

"Can you please tell me why are you breaking up with me?" I cough again. "B-bakit naman biglaan?" nanghihina na ang boses ko dahil sa pag-iyak.

Hindi naman nagbago ang reaksyon n'ya. Sa halip ay hinawi pa nito ang buhok at nag-iwas ng tingin sa 'kin.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora