13

4.4K 228 39
                                    





Rain

"What?"

Naisatinig ko ang kanina lang ay nasa utak ko. Hindi ko pinahalatang lumaglag ang panga ko dahil sa sinabi n'ya.

Seriously?

Napatawa ako at ilang beses umiling. Itinulak ko rin s'ya palayo sa 'kin. Ang kapal n'ya kasi para lumapit nang ganoon kalapit sa 'kin!

"You're kidding me right?" I'm still laughing but he seems serious.

"Where?" Muling bumaba ang kan'yang lalagukan, kasabay rin noon ang pagsulyap n'ya sa labi ko. "Sa hindi ko s'ya girlfriend o sa kapatid ko s'ya?"

"Both!" Maagap kong sigaw.

How could he do this to me? Ang bilis n'yang kalabugin ang puso ko nang gano'n gano'n lang.

Iba 'yung level ng patience ko sa kan'ya. Sobrang baba!

Like, kahit magsalita lang s'ya ay naiinis agad ako. And the way he talked back, that's so upsetting! Palagi na lang!

"Both statements are true..."

Nanlaki na naman ang mata ko. Ilang beses akong kumurap.

Magkapatid nga sila? "How did that possibly happen?"

"So now... you're interested in me, then?"

"What?" Ikinatawa ko ang sinabi n'ya.

"Interesado ka sa kwento ng buhay ko?" Paglilinaw n'ya.

Agad kong pinagkrus ang braso at nag-iwas ng tingin. "I'm not!" Mayamaya ay sinulyapan ko ulit ito.

Matipid itong ngumiti. "Nakakatanda ko s'yang kapatid. Anak s'ya ng nanay ko sa ibang lalaki. The reason why our surname aren't similar, she was born in other coutry. Samantalang dito naman ako pinanganak sa Pilipinas..."

Mahabang paliwanag nito. Pasulyap-sulyap lang ako sa kan'ya pero hindi ko s'ya tinitignan ng mas matagal pa sa sulyap.

Pinanatili ko lang ang posisyon ko na nakaharap sa veranda.

Tinaasan ko s'ya ng kilay, "I'm not satisfied!" Totoo 'yon. Sino bang maniniwala sa gano'n ng basta-basta?

Argh! Mom, you're hiring an insane bodyguard! Sigurado bang kilala ni Mommy kung sino ang lalaking ito?

Do they even check his background? Especially his family background?

Baka hindi nila alam na pinababantayan nila ako sa lalaking kidnapper naman pala.

Then one day, hihingan niya si Mommy ng ransom money kapalit ng buhay ko!

Oh, hell no. I should really stop watching netflix!

"Gusto mo pa bang bigyan kita ng birth certificate ko?" Anang Caplan. Nagawa pang ngumisi.

"Maganda 'yang naisip mo! So, where is it? Make me believe, Caplan!" Hindi naalis ang matalim kong tingin sa maganda nitong mata.

Natawa ito ng bahagya pagkatapos ay napatingin ako sa kamay n'yang pumunta sa loob ng suot na jacket.

Inilabas n'ya roon ang cellphone. May ginawa s'ya roon na lampas sa kaalaman ko.

After that, he let me view the screen.

"Wala akong dalang birth certificate but I hope it'll work... and make you satisfied, Miss."

Nanatili ang mata kong nakatingin sa kan'ya habang nagsasalita s'ya kanina, at bago tuluyang ibaba ang atensyon sa cellphone nito ay kumurap muna ako.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora