26

4.1K 211 183
                                    

Imposter

Naalimpungatan ako nang marinig ang isang alarm buzzer mula sa tabi ng kama ko.

Hindi ko natatandaang nag-set ako ng alarm and I've never done that before.

Dahil sa inis ay nahampas ko 'yon para lang matigil. Ngunit pagkatapos din noon, nagising na ng tuluyan ang diwa ko.

Agad akong napabalikwas sa kama't tinignan ang buong katawan sa ilalim ng makapal na kumot.

Laking pasalamat ko't suot ko pa rin 'yung pantulog na suot ko kagabi.

“Oh my gosh!” nagpalinga-linga ako at hinanap ang lalaking iyon sa apat na sulok ng kwarto ko.

Pero ni-isang hibla ng buhok ay wala akong nakitang Caplan. Mas lalo tuloy sumama ang gising ko.

Where the fuck is my boyfriend!?

Saan naman kaya 'yon nagpunta't hindi man lang nagpaalam sa 'kin! Argh! Yet he call him my boyfriend? Hindi nga s'ya nagpapaalam matapos n'ya akong—omg!

Tuluyan na akong napabangon sa kama nang maalala ang ginawa namin kagabi.

“Omg! Omg!” nagtatakbo ako papunta sa salamin at sinipat ang leeg ko.

Ganon na lang ang pagkabila ko nang makita ang ilang marka na ginawa ni Caplan doon.

Fresh pa rin sa ala-ala ko kung paano at ano ang naramdaman ko nang gabing iyon.

Kung paano n'ya 'ko binaliw sa mga halik  sa 'king leeg. Kung paano ako umungol at paano n'yang pinigilan ang sarili.

Nakagat ko nang mariin ang labi't ginulo ang buhok.

“I'm dead...” wala sa sariling sabi.

Paano ko 'to itatago kina Mommy!? Paano kapag nakita nila 'to!? Anong sasabihin ko?

Bumalik ako sa kama at kinuha ang cellphone. Akmang uupo na ako ngunit kumunot ang kilay ko nang makitang may sticky notes na nakalagay sa kabilang unan.

That was the pillow Caplan's used that night.

Kunot-noo ko pa ring inabot ang papel na 'yon at binasa ang nakasulat.

Tumaas pa ang kilay ko matapos makita ang hand written n'ya. Even his hand written was sexy, huh?

“Good morning, girlfriend. Nauna na akong gumising. You're such a baby when you're sleeping, that's why I didn't bother you. I'll make you a breakfast. Nasa baba lang ako. :* — Cap. ”

Hindi ko alam kung maki-cringe ako lalo na sa emoticon na ginawa n'ya. But in the end, I found myself smiling facing the sticky notes!

It's already 10 o'clock in the morning and I guess, Caplan's dish is already cold. Hindi na ako aabot ng breakfast dahil mag-iisip pa ako kung paano mawala itong hickey sa leeg ko!

Omg! Mayroon din ako malapit sa dibdib! Ugh, fuck me!

Too careless, Fenalla! Too careless!

Dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin sa hickey na 'to, I had no choice but to ask Cess about this.

She's the only friend I know who knew a lot of things especially with this.

Not to be judgemental, but I always see Cess having this every time we have meet ups or friends’ get together.

Naitatago n'ya ang ilan pero hindi n'ya maililihim sa 'kin. I'm such a spy and detective.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedWhere stories live. Discover now