07

4.4K 224 46
                                    

Beautiful

"Oh? What happened?"

Bumalik ako sa katinuan nang makita si Jereniah na kasalukuyang nakatingin sa floor. Kumunot ang noo nito bago itaas sa 'kin ang paningin.

Nag-aalala s'yang lumapit. Hinawakan pa ako nito malapit sa siko para ilayo sa nagkalat na kape.

"Are you alright?" Bumakas sa tono ng boses ni Jereniah ang pag-aalala kahit kape lang naman ang natapon sa 'kin.

Napabuntong-hininga ako at kumawala sa pagkakahawak n'ya. Bahagya ko ring inilayo ang tela ng damit sa katawan ko. Naiinis ako.

"I'm fine, but my dress was not." Angil ko. "Where's Nics? Why are you here?"

Umigting ang panga ni Jereniah bago magsalita. "Nakasakay na sila sa elevator. Bumalik lang ako dahil napansin kong wala ka sa tabi ko."

Napasinghap ako. Bakit nga ba ako natigilan?

"Gusto mo bang magpalit muna bago puntahan sina Nics? You can use any clothes from models. Magpapaakyat ako." Suhestyon nito matapos ang ilang segundong pananahimik ko.

Tinignan ko muna ang damit kong nabasa. Kakaunti lang naman 'yon kaya maaaring mamaya na lang.

"Puntahan muna natin si Nics, then magpaakyat ka na rin ng mga damit."

Pagkasabi ko noon ay pinangunahan ko na ang paglabas sa office ni Jereniah.

Sumunod s'ya sa 'kin at narinig ko pang inutos nito roon sa janitor iyong natapong kape sa office n'ya.

We both get inside the elevator. Hindi pa rin mawala ang irita ko sa damit dahil mukha akong madungis. Kitang-kita ko sa reflection ng salamin.

Pinangunahan ni Jereniah ang paglalakad nang makalabas kami sa elevator. Nasa 7th floor kami dahil dito ang clinic ng building nila.

Ilang metro lang ang nilakad namin bago buksan nito ang pinto at paunahin akong pumasok.

Nadatnan naman agad namin si Nics habang ginagamot noong doctor ang kan'yang kaliwang paa. Nasa tabi nito si Caplan na agad ko namang hinarap.

"Get out of this room. Doon ka sa labas maghintay."

Walang mababakas na ekspresyon sa 'king mukha pero mahahalata sa boses ko ang inis. Pinilit ko namang huwag ipahalata, but maybe it's my natural voice. Akala mo laging galit pero hindi naman.

Sandali pang sinulyapan ni Caplan ang paa ni Nics bago tumungo sa 'kin at tumalikod.

Ilang sandali pa, humarap ako kay Nics at kukumustahin ko sana ito ngunit tinawag n'ya ang bodyguard ko.

"Caplan!" She called. Nakatingin s'ya ng diretso rito nang pumaling si Caplan. "Thank you..."

Awtomatikong gumalaw ang labi ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bahagya akong suminghap.

"You're welcome."

Tumalikod na si Caplan matapos n'ya 'yong sabihin. Kinagat ko ang loob ng labi dahil nakita ko na naman kung paano n'yang tignan ang kaibigan ko.

"Doc, how's Nics?"

Mayamaya pa ay tanong ni Jereniah. Tumabi s'ya sa 'kin kung saan nasa harapan namin ang napangiwing si Nicolette habang marahang iniikot ng babaeng Doctor ang kan'yang ankle.

"She's fine... mamaya ay mawawala rin ito. Nagkaroon lang s'ya ng kaunting sprain. Masama ang pagkakabagsak ng paa n'ya sa floor."

Sambit ng doctor pagkatapos ay inabot ang ice pack sa kan'yang likod.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedWhere stories live. Discover now