15

4.5K 271 265
                                    








Message Request


Agad kong itinulak si Caplan para lumayo s'ya sa 'kin. Dahil sa sobrang lapit n'ya kanina ay ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.

"What did you say?" Natawa ako at pinagkrus ang aking mga braso. Tinaasan ko rin s'ya ng isang kilay. "Lovers? Nagpapatawa ka ba ha, Caplan!?"

Mas nangunot pa ang noo ko nang ngumisi s'ya.

"Hindi ako nagpapatawa. I am man of my words," umawang ang aking bibig sa sinabi n'ya. "Puwede kitang ihatid..." nagawa pa n'yang humakbang palapit sa 'kin.

I tsked and bit inside of my cheeks. "Hindi ko kailangan! Ang lapit lapit ng Brassard's company!" Mayamaya ay nilingunan ko si Kuya. "What now, kuya? Hindi pa ba 'yan tapos!?"

Sinulyapan n'ya 'ko. "Nakaka-trenta minutos pa lang po ako rito, Ma'am." Nag-aalangan nitong sagot.

Kunwaring lumapit ako sa kan'ya para maiwasan si Caplan. "Bakit kasi hindi ka pa tumawag ng car technician!?"

"Tumawag na ako. Half hour bago sila makarating."

Nilingon ko si Caplan kasi nakikisabat na naman s'ya.

"Hindi sabi kita tinatanong! Umalis ka na nga!" Asik ko rito ngunit imbis na umalis ay tumabi pa sa 'kin.

"Ikaw na nga tinutulungan, eh." Sambit n'ya. Nagulat pa ako nang bigla itong umirap.

Eh?

"Hindi ko naman hinihingi 'yung tulong mo! Alis na." Muling pagtataboy ko.

"Ayoko," naglakad s'ya papunta kay Kuya. "Kung ayaw mo ng tulong ko edi si Kuya ang tutulungan ko."

Nagtiim ang aking bagang. "Ano ba, Caplan!? Bakit ba ang kulit mo?"

"Hindi naman ikaw ang kinukulit ko." Sinulyapan n'ya ang bodyguard ko. "Si Kuya ang kinukulit ko. Di ba, kuya?"

Nanlaki ang mata ni Kuya pagkatapos ay ngumiti na parang aso. "Hindi po. Si Ma'am po talaga ang kinukulit n'yo. Sino ka po ba?"

I groaned and yell. "Huwag mo na ngang alamin! Let's go!" Aya ko.

"Pero Ma'am paano po itong sasakyan n'yo?" Tanong ni Kuya.

What the hell? Bodyguard ko ba talaga 'to!?

"Sige, kuya. Ako na ang bahala sa boss mo. Parating na 'yung mag-aayos ng sasakyan. Nand'yan lang naman ang kompanya ng Brassard. Sumunod ka na lang." Mahabang saad ni Caplan.

Napatayo naman si Kuya. "Hindi po pwede. Sino po ba kayo?"

Nagkagat-labi si Caplan bago sumagot. Ngumisi rin ito.

"Kaibigan ako ng Mommy ng boss mo. Don't worry, dati n'ya akong bodyguard. Hindi ko s'ya sasaktan and I can take care of her." Sinulyapan pa n'ya ako bago sabihin 'yong huling pangungusap.

Napairap ako then after that, I just found myself together with Caplan.

Siya ang nagpayong sa 'kin papunta rito sa Brassard's Company. Napakaraming tao at cameras sa labas.

Nahirapan pa kami bago makapasok, buti na lang ay hinawi n'ya ang daan kanina. Nagtaka nga ako dahil walang hirap n'ya 'yong ginawa. Parang nag-giveway pa sa 'min 'yong mga babae kanina.

Just, what the fuck. right?

Kasalukuyan na kaming papasok sa elevator at nang tuluyang makapasok, pipindutin ko na sana ang up button pero pinindot n'ya rin kaya aksidenteng nagtama ang mga balat namin.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedWhere stories live. Discover now