14

4.2K 267 123
                                    






Scammed

"What are you talking, Mom?" Hindi maiguhit ang pagkakakunot ng aking noo habang nakatingin kay Mommy. "Are you even serious?" Natawa ako at nasapo ang buhok. "Caplan is the son of your boss? Mom, what the hell? How that happened?"

Nilapitan ako ni Mommy. She's about to touch me pero mabilis akong umiwas.

"Baby, listen to me first. Alam na namin na magiging ganito ang reaksyon mo."

Tumaas ang kilay ko. "So?"

Suminghap s'ya at mariing napapikit. Sa pagkakataong ito ay nagawa niya akong hawakan at umupo kami sa malambot na kama.

Kunot na kunot pa rin ang aking noo. Caplan wasn't there. Inutusan s'ya ni Mommy na samahan si Manang na mamili, so I can yell as loud as I can!

"I'm sorry for not telling you, baby..." ani Mommy sa nang-aalong tono. "I'm sorry kung madalas kitang naikukwento kay Caplan."

Umawang ang aking labi. "What?" Ikinukwento n'ya ako kay Caplan?

Tumango siya at pinasadahan ng hawak ang aking braso, pababa sa aking kamay.

"Sa tuwing nami-miss kasi kita ay naku-kwento kita sa kan'ya. Nakakasama na namin ng Daddy mo si Caplan doon sa company, and he's a good guy."

"I don't even care if he's a good guy, what I am asking is why did you lie to me?" I groaned. "And how can that guy became my bodyguard?"

Anak naman pala s'ya ng may-ari ng kumpanya! Bakit pa n'ya piniling alagaan ang isang katulad ko?

Naalala ko 'yung sinabi n'ya noong gabing 'yon... pero hindi ko alam kung bakit hindi naging sapat ang paliwanag na 'yon ngayon.

"I told him you need someone who's going to check on you. Noong una ay nag-aalangan ako pero s'ya lang ang mapagkakatiwalaan ko sa 'yo bukod kina Manang. That's why I asked him to help me." Diretsong sagot ni Mommy.

Yeah. This time, tumama ang sagot n'ya sa sinabi ni Caplan. Nagsasabi na ba s'ya ng totoo ngayon?

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang s'yang magkwento.

"Simula noong naikukwento kita kay Caplan, nasabi ko rin ang kalagayan mo. The reason why we are working... it's because of your sickness." Bumuntong-hininga s'ya. "Since, may alam si Caplan sa pagiging bodyguard because he's a military student pero hindi n'ya pinagpatuloy..."

Huh? Military student si Caplan? Kaya rin ba medyo moreno ang kulay n'ya? Hmm, wait a minute... then, what about his course na sinabi n'ya noon sa 'min? The computer sciene?

"I thought he's a computer science graduate student? Sino ba talagang nagsasabi sa inyo ng totoo?" Muntik nang tumaas ang boses ko. Naguguluhan na naman ako.

She heaved a sigh. "We're not lying, Fenella. Totoo 'yon parehas. He's a computer science graduate pero mas nauna s'yang maging military student. Madali s'yang mawalan ng gana sa mga courses at kung gugustuhin n'yang magpalit... magpapalit s'ya."

"Mom, I can't believe you." Utas ko.

Hinawakan ni Mommy ang dalawang braso ko.

"I know you're not going to believe me. Gusto mo bang kausapin si Caplan?"

Agad akong umiling. "No, Mom! Fire him. I don't want to have a bodyguard like him!"

"Pero Fenella, he can help you. Napakabait niyang bata, anak. Caplan is--"

Tumayo ako. "No, Mom. Please, I don't want someone who is lying to me."

Tumalikod ako at pumunta sa veranda. Mabibilis ang hininga ko nang maupo ako sa stool.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon