-Chapter 12-

657 33 3
                                    



Business card




"Good morning ma'am may bisita po kaayo sa--Ma'am?"





Dire-diretso ako papasok sa office hindi man ako nag-abalang sagutin ang bati sa akin ni Mae. Late na akong pumasok.  I'm not in a mood. Wala nanaman kasi akong tulog kagabi nag-iisip ng ideas para sa engagement party nila Damon. Can you believe it nag-pupuyat na naman ako sa walang kwentang bagay. 



Lutang ako. 



Pabagsak kong binaba 'yung bag ko sa lamesa ko tinanggal ko 'yung coat ko at tanging sleeveless croptop ko ang natira. Pabagsak ako humiga at sumandal sa upuan at pumikit. I want coffee. Kinapa ko sa desk 'yung intercom ko habang naka pikit pa rin sobrang sakit talaga ng ulo ko. 



"Mae coffee please." Bumalik ako sa pag-rerelax at nanatiling nakapikit. Medyo nawawala sakit ng ulo ko kapag nakapikit. Narinig kong bumukas 'yung pinto si Mae na siguro 'yun kasunod 'nun ay tunog ng paglapag ng kape ko sa desk ko kaya dumilat na ako para kunin 'yun. 



"Thank you Mae." Agad akong humigop sa kape ko at ngingitian ko sana si Mae pero ibang mukha ang tumambad sa akin, bigla akong nasamid at napaso  sa kape na iniinom ko. 




"Ouch! shit! ouch fuck!" Pinaypayan ko ang labi ko na napaso habang gulat pa rin ako. 



"Oh my Miracle I'm sorry! Nagulat ka ba?" Lumapit na sa akin si Vivian at sinabayan ang pagpaypay ng labi ko. 



Tama kayo ng basa si Vivian nandito nanamn sya sa office ko. 



"What the hell?! I mean why are you here?" Hirap na sabi ko. Shems sobrang sakit ng labi ko at dila ang init naman kasi 'nung kape. 



"Don't talk masakit pa rin ba?" Halos mapa-irap ako. It's your fault! Bakit kasi bigla bigla kang susulpot?! "Damon, honey help us! What should we do?!" Nanlaki mata ko at napatingin sa likod ni Vivian. 



What the fuck? Andito din sya?!



"Kiss." 



"What?!" Sabay namin na sabi ni Vivian. Anong kiss na pinagsasabi nito? There's no way na magpapahalik ako sa babae na 'to I rather burn my lips than kiss her!

The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Where stories live. Discover now