-Chapter 21-

729 36 6
                                    




Aftermath



Malalim ang hininga ko at sunod sunod 'yun. Nakatodo ang bukas ng gripo at madiin kong pinupunasan ang labi ko. Masakit dahil sa sobrang diin ng punas ko, wala na 'yung lipstick ko pero hindi ko pa rin tinitigalan. Humarap ako sa salamin 'yung mascara ko kalat na sa mukha ko dahil sa pag-iyak, magulo din ang buhok ko at basang basa ang mukha ko pinaghalong tubig at luha. 



Kumuha ako ng panibagong wet tissue at tinapon ang ginagamit ko. Marahas ulit ang pag-punas ko sa labi ko na namumula na. Kailangan ko 'tong gawin hindi ako mapakali. 



Ang tanga mo Miracle. Sobrang tanga mo. 



Tumulo nanaman ang luha ko. 



I kissed Damon. I fucking kissed him on his engagement party! 



I'm so stupid! I should've done something but I kissed him back and I feel bad! The worst part is after nya akong halikan bigla na lang nya ako iniwan sa CR at binalikan si Vivian. 



"Stupid, stupid Miracle!" Sigaw ko sa sarili ko habang pinupunasan ang luha ko at labi hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. 



After nya akong iwan tumakbo ako paalis 'dun at umuwi. Yung luha na pinipigilan ko biglang bumagsak pagkadating ko sa condo at dito ako sa banyo dumiretso. Mali 'yung ginawa namin sobrang mali. I feel dirty, feeling ko napakasama kong babae nagtaksil kami kay Vivian hindi ko dapat 'to ginawa, dapat pinigilan ko. 



"I hate you! I hate you so much! Why are you doing this to me Damon?!" Napaupo na ako sa kakaiyak. Hindi ko alam kung bakit 'yun ginawa ni Damon. 



Mahal pa ba nya ako? Kung hindi bakit nya ako hinalikan? Bakit si Vivian pa rin ang pinuntahan nya? Bakit iniwan nanaman nya ako?



Lahat ng sinabi ko na lalayuan ko si Damon, na naka-move on na ako at na wala na akong pakealam sa kanilang dalawa, kinain ko lahat 'yun. Bumalik lahat ang nararamdaman ko 'yung sakit. Akala ko nagbago na ako. No more pathetic Miracle but look at me I'm still a mess because of Damon. 



Dapat una pa lang tinaggihan ko na sila Damon hindi sana nangyare 'to kung tumanggi ako pero anong magagawa ko may part din sa puso ko na gusto syang makasama, makita. I brought this to myself it's all my fault I'm not strong enough kaya nasasaktan ako ng ganito. 



This is all my fault. 


The Seven Deadly Sins (SEASON 3)Where stories live. Discover now